Dating Sekyu, Patay sa Boga

ISANG DATING security guard ang nasawi nang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek sa labas ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila, kamakailan.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang nasabing biktima na kinilalang si Arnulfo Rubia, 42, may asawa at residente ng Temporary Housing, Vitas, Tondo dahil sa apat na  balang tinamo sa ulo at katawan.

Lumalabas sa impormasyon na nakasuot ng bonnet ang armadong suspect na naglakad lamang papalayo matapos ang pamamaril.

Base sa report ni SPO2 Benito Cabatbat ng Manila Police District Homicide Section,  dakong alas-9:00 ng umaga nang mang¬yari ang pamamaril sa labas lamang ng bahay ng biktima.

Paniwala naman ng mga awtoridad, nagsadya sa mismong lugar ang suspect upang makakuha ng pagkakataon na mapatay ang biktima.

Samantala, wala pang motibo at pagkikilanlan ang lalaking suspek na kasalukuyan pang inaalam ng mga kinauukulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.