Dating sekyu, nakahandusay sa kalsada, patay

INAALAM NA NG mga pulis ang dahilan ng pagkamatay ng isang dating security guard matapos matagpuang nakahandusay sa gilid ng kalsada sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Patay na nang makita si Jesus Rebulado, 67 ng Julian Felipe st., ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-5:30 ng umaga nang makitang nakahandusay ang biktima sa gilid ng kalsada sa Torres Bugallon st., ng lungsod.

Ilang mga nakatambay ang lumapit sa biktima subalit laking gulat ng mga ito na patay na pala ang biktima.

Agad na sinabi sa mga pulis ang nakita kung saan wala naman nakitang palatandaan na pinatay ng biktima habang inaalam na ang dahilan ng pagkamatay nito.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Dating sekyu, nakahandusay sa kalsada, patay

  1. Pingback: Dating sekyu, nakahandusay sa kalsada, patay « Dashares.com – Best E-books Library For All – Read all your favorite E-Books with Downloading facility

Leave a Reply

Your email address will not be published.