Dating seaman, naburyong; misis, 2 anak at kasambahay, pinaslang

PATULOY ANG IMBESTIGASYON ng Talisay City Police sa umano’y pamamaslang ng isang ama sa apat na miyembro ng kanyang pamilya sa Cebu.

Sa sketchy report, binaril umano ni Emmanuel Ponce ang kanyang mag-iina kasama ang kanilang kasambahay na pawang agad namatay sa Barangay Tamlad, Tabunok.

Kinilala ang misis nito na si Melenda Ponce, isang bank manager at dalawang anak na sina Ellen Joy Ponce, 26; at Peter Joy Ponce, 25 at kasambahay ng pamilya na si Anastacia Velliga, 30.

Habang nakaligtas naman ang bunsong anak na si Amber Ponce, 14-anyos na siya umanong inutusan ng suspek na tumawag ng ambulansya matapos ang krimen.

Gayunman, nang dumating sa crime scene ang mga awtoridad ay nagbaril na rin umano sa sarili ang suspek na dating seaman at sinasabing may problema sa pag-iisip.

Sa ngayon ay inaalam pa ng Talisay Police ang motibo sa nangyaring massacre.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.