Dating purok leader, pinatay sa tagayan

ISANG DATING PUROK leader ang namatay matapos itong barilin ng isang lalaki habang ang una ay nakikipag-inuman sa loob ng bahay ng kanyang kumpare sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose Rodriguez Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa panga ay nakilalang is Nomerito David, nasa hustong gulang, residente ng Phase 7-A, Package 10, Block 23, Excess Lot, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Patuloy namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na si Romeo Verdaloza alyas Junior na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO4 Danilo Salas, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong 3:45 ng hapon sa loob ng bahay ng kumpare ng biktima na si John Francisco na matatagpuan din sa naturang lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, kasalukuyang abala ang biktima sa pagbabalat nito ng mangga upang gawing pulutan sa kanilang inuman nang bigla na lamang dumating ang suspek na armado ng baril.

Walang sabi-sabing pinaputukan ng suspek ang nabiglang biktima sa panga bago mabilis na tumakas sa hindi natukoy na direksiyon dala ang ginamit na armas habang isinugod naman si David sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na rin ito umabot ng buhay.

Lumalabas pa sa inisyal na pagsisiyasat na nagkaroon ng sama ng loob ang suspek sa biktima nang makaalitan ito ng ama ng una dahil sa paggamit nito ng mahinang klase ng mater-

yales sa ipinatayo nitong bahay na may sampung taon na ang nakalilipas.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.