Dating Pulis, Kalaboso sa Pangingikil

ARESTADO ANG isang Dating pulis makaraan magpakilalang pulis pa at tangayin ang malaking halaga ng pera ng isang matandang babae sa Caloocan CIty kamakalawa ng umaga.

Ang suspek na nasa loob ngayon ng detention cell ay nakilalang si Ex-PO1 Virgilio Sayaman, 33, residente ng # 417 Malvar St., Tondo, Manila at dating nakatalaga sa PRBSB at PPO3.

Base sa pinagsamang ulat nina SPO3 Joel Montebon at PO2 Michael Olpindo, ng Caloocan City Police Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) at mga may hawak ng kaso, dakong alas-6:00 ng umaga nang maaresto ang nasabing suspek sa kahabaan ng Zamora St., Brgy 17.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente, ang suspek na si Sayanan ay nakasuot ng PNP uniporme at nagpakilalang isang pulis at sabay tutok ng baril sa isang Cyrill Manucom, 50, ng # 184 P. Zamora St., Brgy. 17.

Sa puntong ito ay sa-pilitang kinuha ng suspek ang halagang P500,000 na pag-aari ng biktima laban sa kagustuhan nito.

Ilang sandali ang lumipas, ang suspek na papatakas ay naaresto ng mga nagresponding pulis at nabawi rito ang nasabing halaga at replica ng .45 caliber pistol na may kasamang original na magazine ng caliber .45.

Nakumpiska rin sa suspek ang isang set ng GOA uniforme na may kasamang badge # 209610, isang PNP identification card.

Nabatid na dalawang beses na umanong hinoholdap ng suspek ang biktima at sa ikatlong pagkakataon ay hindi na lumusot ang suspek sa kanyang masamang gawain.

Napag-alaman pa, sangkot ang naarestong suspek sa ilang criminal cases tulad ng Carjacking at Usurpation of Authority.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.