Dating Pulis, Huli sa Pangingikil

DINAKIP NG mga pulis ang isang dating kasamahan matapos ireklamo ng pangingikil sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si PO1 Herminio Frias, 34, dating nakatalaga sa Malabon Police at residente ng Salas St., 12th Avenue ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-11 ng gabi nang makatanggap ng reklamo ang mga pulis mula sa mga tindero sa Monumento ng lungsod na kinikikilan sila ng suspek.

Nang respondehan ay inabutan ang nakasibilyan na si Frias at agad na dinis-armahan.

Nabatid na natanggal sa serbisyo ang suspek noong Setyembre 18, 2012 dahil sa kaparehong kaso subalit hindi agad ibinalik ang .9mm na baril.

(MARY H. SAPICO)

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.