Dating Pulis, Dinakip ng mga Kabaro

KULONG ANG isang dating pulis matapos ipatubos sa may-ari ang hiniram na motorsiklo ng una sa Caloocan City kamakalawa.

Nahaharap sa kasong robbery extortion si da-ting PO1 Virgilio Sayaman, nakatalaga sa Region 3 at residente ng Libis Espina St., ng lungsod.

Sa reklamo ni Roussel Milanes, 36, traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority, kamakalawa ay hiniram ng suspek ang kanyang Honda Beat (7215-TL) subalit inabot na ng ilang oras ay hindi na bumalik ang suspek.

Nakatanggap pa ng text ang biktima mula sa suspek na kung gustong umanong mabawi ang motorsiklo ay kailangang magbigay ng pera.

Lumapit sa mga pulis ang biktima at kahapon ay nagsagawa ng entrapment operation malapit sa bahay ng suspek na naging dahilan upang madakip ang suspek.

Nagpakilalang pulis ng Caloocan City Police ang suspek subalit nang berepikahin ay hindi totoo at nalaman na natanggal sa serbisyo si Sayaman noong pang Enero ng taon.

Dahil dito, nadagdagan ng usurpation of authority ang ikinaso sa suspek.

Nabawi naman ang motorsiklo ng biktima at P1,000 ibinigay sa suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.