DATING PARAK AT ISA PA, ARESTADO SA DRUG PARAPHERNALIA

SWAK SA KULUNGAN ang dalawang katao matapos mahulihan ng mga awtoridad sa kanilang pag-iingat ng mga drug paraphernalia sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan Police na nahaharap sa kaukulang kaso ay nakilalang sina Gomer Mateo, 29, dating pulis at residente ng Imus, Cavite; at Sherman Lagmay, 28, ng Bayanan, Muntinlupa City.

Sa nakalap na impormasyon sa pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa Bagong Silang, Caloocan City.

Nabatid na kasalukuyang nagpapatrulya ang mga awtoridad sa naturang lugar nang madaanan ng mga ito ang mga suspek na nakatambay sa madilim na bahagi.

Dahil dito, nilapitan ng mga pulis ang mga suspek subalit tinangkang tumakbo ng mga ito. Agad ding naagapan ang mga ito, dahilan upang hindi na makapalag pa sina Lagmay at Mateo.

Nang kapkapan ay nakuha sa mga ito ang iba’t ibang uri ng mga drug paraphernalia dahilan upang bitbitin ang mga suspek patungong presinto.          (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.