Dating Pangulo ng IBP, Kinasuhan

SINAMPAHAN NG kasong kriminal sa piskalya ng Maynila at Pasig ang dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na si Roan Libarios at apat na iba pang kasamahan sa Libra Law Firm.

Nag-ugat ang reklamong Falsification and Use of Falsified Documents ni Atty. Beverly Noriega sa petition for review na isinampa ng law firm ni Libarios, kung saan inaapela nito ang joint resolution ng Office of the Regional State Prosecutor-Caraga na nagbasura sa kasong medical malpractice laban kay Dr. Maritess Custodio.

Base sa reklamo, pinalabas umano ni Libarios na naihain ang kanilang petisyon sa pamamagitan ng registered mail noong Enero 21, 2011 sa Ortigas Center Post Office sa Pasig City.

Samantala, nadiskubre ng complainant na Pebrero 3 ,2011 lang naihain ang petisyon sa Meralco Post Office.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.