Dating Pagadian Mayor na Dawit sa Pyramiding Scam, Dakip

NADAKIP NA si dating Pagadian City Mayor Samuel Co na idinadawit sa P12 bilyong pyramiding scam ng Aman Futures Group.

Ito ang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI). Anito, natimbog si Co at asawang si Priscilla Ann Fernandez Co sa isang lugar sa Kamaynilaan.

Hawak na ng NBI headquarters ang mag-asawa at ipiprisinta ni Justice Secretary Leila de Lima sa isang press conference ngayong araw.

Maaalala na Nobyembre 2012 nang pumutok ang nasabing isyu ng P12 bilyong pyramiding scam ng Aman Futures na pag-aari ni Manuel Amalilio.

Nadawit ang dating Pagadian mayor nang isiwalat ni FO1 Fabian Tapayan Jr., isa sa mga nabiktima, na ito ang pinagdalhan niya ng halos P15 milyong investment.

Hulyo 2013, pinasampahan na ng Department of Justice (DOJ) ng kasong syndicated estafa sina Co, Amalilio at 10 iba pa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.