Dating pa-booking na sexy actress, pinasok na pagbu-bugaloo! – Alex Brosas

BONGGA NAMAN PALANG boyfriend itong si Derek Ramsey. Kung magregalo kasi siya sa kanyang dyowang si Angelica Panganiban ay super mahal.

Sa birthday ni Angelica the other day, sinorpresa ni Derek ang dyowa sa kanyang very expensive gift. Isang mamahaling Hermes bag na kulay-orange ang ibinigay ng binata sa seksing young actress bilang regalo sa kaarawan nito.

Siyempre, super-tuwa ang Angelica. Hindi kasi niya inaasahan na magkakaroon siya ng isang Hermes bag kahit na wala pa siyang thirty years old. She just turned 23 in her recent birthday.

Ang Hermes bag ay nagkakahalaga ng $10,000 or more. With this, talagang masasabing mamahalin ito.

Dream come true kay Angelica ang pagkakaroon ng Hermes bag.

[ad#post-ad-box]

Anyway, with this, idinenay ni Angelica ang recent rumor na break na sila ng kanyang dyowa. Magkasama nga sila sa kanyang intimate birthday party kaya paano nga namang masasabing magkahiwalay na sila?

Hindi ito ang unang pagkakataon na binigyan ni Derek ng mamahaling regalo si Angelica. Noong third anniversary nila, isang Mini Cooper na nagkakahalaga ng halos isang milyon ang gift ng binata sa aktres.

MARAMING FANS NI Kris Aquino ang nagtatanong kung nagkabati na sina James Yap at Ai-Ai delas Alas.

Nakita kasi si Ai Ai sa bahay ng mga Aquino sa Times St., Quezon City. Nandoon ang buong pamilya ni Kris together with some celebrities. At siyempre, naroon din ang dyowa ni Kristeta na si James.

Matagal na ang alitan nina James at Ai-Ai. In fact, feeling ng ilan, matatagalan bago magbati ang dalawa. Sa isang movie nga ni Ai-Ai, dapat ay may special appearance si Kris pero hindi ito natuloy. Ang tsismis, pinigilan ni James ang Talk Show Queen. Siyempre, mas pinili ni Kris ang kanyang dyowa kaysa sa kanyang BFF (best friend forever).

Anyway, bongga rin naman ang nakasama ni Ai-Ai sa bagong movie na Ang Tanging Ina, kung saan walang ka-effort-effort na sinapawan lang naman siya ni Mommy Dionesia sa pelikula, kasama sina Joseph Estrada, Toni Gonzaga at Sam Milby.

Isa pa nga palang balita kay Kris, ibinenta na raw nito ang luxury car nila. Isa itong SUV na milyon ang presyo at bagong model pa. Ang hinala ng fans ni Tetay, nagtitipid ngayon ang TV host-actress dahil ang dami nga naman niyang pinagkakagastusan ngayon.

Feeling nga ng fans ni Kris, dapat lang na magbawas ng sasakyan ngayon si Mrs. Yap dahil hindi na praktikal na mag-maintain ng napakaraming sasakyan. Sabi nga nila, since sa condo na titira ang pamilya ni Kris, less expensive nga naman kung magbabawas ng sasakyan ang mga ito. Sa parking space pa lang kasi, umaabot sa kalahating milyon ang isang space para sa isang sasakyan. Kung apat nga naman ang sasakyan nila, tumataginting na two million pesos ang kakainin nito sa budget pa lang sa garahe.

BLIND ITEM: BUKOD sa pagpapadyokad, pinasok na rin daw ng isang sexy actress ang pagbu-bugaloo.

Kapag wala siyang masyadong “booking” at hindi siya masyadong nata-type-an ng mga DOM, may-I-refer daw ang hitad ng mga kakilala niyang nagpapabayad din para sa panandaliang-aliw.

Mahina na kasi ang kita ng hitad ngayon, walang masyadong offer lalo na sa movies kaya sa TV na lang siya nabubuhay.

Ang maganda kay sexy star, hindi siya maramot. Kapag alam niyang tinatawad-tawaran na ang beauty niya, sinasabi na lang niya na may makukuhang girl ang DOM sa presyong itinatawad nito. At marami na ring nai-refer ang aktres sa satisfied male customers.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

One thought on “Dating pa-booking na sexy actress, pinasok na pagbu-bugaloo! – Alex Brosas

Leave a Reply

Your email address will not be published.