Dating opisyal ng Palawan, isinasangkot sa pagpatay sa broadcaster

ISINASANGKOT ANG DATING administrador ng lalawigan ng Palawan sa pagpatay sa broadcaster na si Dr. Gerry Ortega.

Ito’y nang na-trace na ang ginamit na kalibre .45 baril ng suspek na si Marlon Dicamata alyas Marvin Alcaraz, 31-nayos, residente ng Taguig City, ay pag-aari ng dating administrador ng lalawigan ng Palawan na si Atty. Romeo Seratubias sa ilalim ng dating Gobernador Joel Reyes.

Samantala, may hinala si Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn na may kinalaman sa pulitika ang nasabing krimen dahil sa isa sa mga suspek ay sinasabing mining operators.

Napag-alaman na si Ortega ay matindi ang ginagawang pagtutol sa pagmimina sa kanilang lugar at masigasig ito sa kampanya sa pagproprotekta sa kalikasan at walang kinatatakutan sa kanyang mga pagbubulgar sa mga katiwalain na kinasasangkutan hindi lang ng mga pulitiko kundi maging ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, wala pang paliwanag ang kampo ni Seratubias sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa krimen.

Nakatakda sanang dumalo kahapon si Ortega at Hagedorn at iba pang tagapagtaguyod ng anti-mining sa ilalim ng Global Legal Action for Climate Change (GLACC) dito sa Metro Manila.   (ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.