Dating Opisyal ng Caloocan, Tinangay ang mga Sasakyan ng Lungsod

PINAG-AARALAN NG bagong pamunuan ng Caloocan City ang paghahabol sa mga nawawalang sasakyan na pag-aari ng lokal na pamhalaan na umano ay kinuha para sa pansariling gamit ng dating hepe ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM).

Ayon sa ilang insider ng Caloocan City Hall, tinangay umano ni Al Sta Maria, dating hepe ng RDPSTM ang mga sasakyan na pag-aari ng lungsod tulad ng Everest Ford  2010 model, Nissan Urban 2012 model, Isuzu pick-up at Toyota Camry 2011.

Ang mga nasabing sasakyan ay nasa Nueca Ecija ngayon at ipinagagamit umano sa kanyang tatay at may balak pa rin daw si Sta. Maria na tangayin ang isang dump truck at isang back hoe na pag-aari rin ng pamahalaang lungsod.

Sinabi pa ng source, sa loob ng siyam na taong panunungkulan ni Sta. Maria bilang hepe ng RDPSTM, kumikita ito ng P200,000 kada linggo mula sa mga illegal vendor at illegal terminal.

Napag-alaman pa sa source, isang tinaguriang “Father” ang umiikot sa mga iligal na terminal at iligal na manininda sa buong district 1 at 2 para kumulekta ng lingguhan “tong”.

Pinag-aaralan na rin ng bagong admistrasyon ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay Sta. Maria.

(ROMAN MAGPOC)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.