Dating OIC ng Security Agency, Dakip sa Karnap na Sasakyan

ARESTADO ANG isang dating OIC ng isang security agency makaraang matunton sa kanyang posesyon ang isang karnap na Isuzu Crosswind ng mga operatiba ng MPD-Anti-Carnapping and Hijacking Unit sa Quezon Avenue, Quezon City, kamakailan.

Ang nasabing salarin na si  Gil Emerenciana, 49, ng Sta. Mesa, Maynila ay dinakip dakong alas-6:00 ng gabi matapos marekober sa kanya ang karnap na kulay pulang Isuzu Crosswind (XDE-377).

Nabatid na naidulog ng isang Donald Benjamin Esterban ang reklamong pagkawala ng nasabing sasakyan noong Oktubre 21, 2012 habang nakaparada sa Harbor Square, sa CCP Complex, bahagi ng Malate, Maynila.

Depensa ng salarin, hindi niya alam na karnap ang sasakyan dahil ang may-ari umano ng kanyang pinapasukang Edcor Security Agency na si Beth Galvez ang nag­pakuha sa kanya ng sasakyan sa parking area sa 4th Floor ng  Royal Plaza sa Remedios St., Malate. Ipinaayos niya ito at nang ayos na ay binabawi umano ni Galvez upang ibenta.

Samantala, ayon sa mga kinauukulan, ka­ilangan­ pa nilang kunan ng salaysay ang may-ari kung totoong inabandona na ang sasakyan at ipina­ayos lamang ng biktima simula nang mapasakamay noong Oktubre ng nakalipas na taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.