Dating OFW, dedbol sa depresyon

DEAD-ON-ARRIVAL SA La Union Medical Center sa Agoo, La Union ang isang dating OFW matapos magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa puno ng mangga na nasa bakuran ng kanilang bahay sa Barangay Lomboy, Sto. Tomas, La Union.

Nakilala ang nasabing biktima na si Ferdinand Cacas, 47.

Base sa impormasyon mula sa Sto. Tomas Police Station, nadatnan na lamang ng misis ng biktima na si Cristy Cacas, na nakabitin ang mister nito sa puno ng mangga gamit ang isang nylon rope.

Matinding depresyon ang umano’y nagtulak sa biktima para gawin ang pagpapakamatay at pakiramdam nito na pabigat na siya sa kanyang pamilya.

Nabatid na hindi na makapagtrabaho ang biktima mula noong madaganan ng malaking asero ang kanyang paa, nang siya’y nagtatrabaho pa sa ibang bansa.

Samantala, napag-alaman din na uminom muna ng alak ang biktima bago isinagawa ang pagkitil sa sarili, bandang alas-11:45 ng umaga kamakailan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.