Dating mister ni De Lima, hugas kamay sa miting kay Napoles

HUGAS-KAMAY ANG dating mister ni DoJ Secretary Leila de Lima hinggil sa alegasyong siya ang nasa likod ng pakikipagpulong ni Janet Lim-Napoles kay dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Nonnatus Rojas.

Sinabi ni Atty. Plaridel Bohol na nagtungo siya sa NBI para magpaabot ng pagbati kay Rojas na katatapos lamang magdiwang ng kaarawan.

Iginiit ng abogado na kumakain lamang silang dalawa ni Rojas ng pananghalian bago dumating si Atty. Freddie Villamor kasama ang tinaguriang pork barrel queen na nagreklamo kay Rojas kaugnay sa pagbalik-balik ng ilang NBI agents sa kwarto ng kaniyang kapatid sa St. Lukes Hospital na katatapos pa lang sumailalim sa heart bypass surgery.

Aniya, nagmakaawa si Napoles na aksyunan ni Rojas ang kaniyang reklamo para makapagpagaling na ang kapatid nito pero makalipas lang ang ilang minuto ay agad na umalis ang kontrobersyal na negosyante sa NBI.

Nanawagan naman ito sa publiko na huwag nang malisyahan ang naturang isyu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.