Dating misis, pinaniwala ni aktor na ligal ang kanilang diborsiyo!

BLIND ITEM: MAY pagkamaselan ang aming paksa ngayon, even the characters involved, hence, we are exercising editorial prudence.

Galit na galit ang dating misis ng isang aktor na pinaniwala umano siyang sa legal na proseso dumaan ang kanilang paghihiwalay. Taong 2009 noong makatagpo na rin ang babae ng bagong pinakasalan sa ibang bansa, bagay na matagal-tagal ding inilihim ng kanyang ex-husband sa showbiz.

Diumano, mga pekeng dokumento ang pinapirma ng aktor sa kanyang dating kinasama upang gawing “pormal” ang kanilang separasyon. Ang kaso, kailan lang natuklasan ng babae ang panloloko umanong ‘yon ng aktor.

Kung tutuusin, dumagdag na lang ang usaping ito sa kasalukuyang problemang dapat harapin ng aktor na may kinalaman sa pangangalaga ng kanilang mga anak. Apat na supling ang naging bunga ng kanilang pagsasamang umabot din ng dalawampung taon, tatlo rito ay nasa bansa ngayon, at dalawa sa tatlong ito’y nagmamarka na rin ang mga pangalan sa telebisiyon.

Upon discovery of the fake divorce papers, kinumpronta ng babae ang aktor sa telepono. Ano raw ba ang kanyang (babae) dapat gawin para gawing ganap nang legal ang kanilang paghihiwalay? May suhestiyon ang aktor: umuwi raw ng bansa ang kanyang ex-wife at pumunta sa isang malayong lalawigan dahil doon lang daw maaaring idulog ang ganoong kaso.

Lalo pa raw nainis ang misis dahil ang nasabing lugar na binanggit ng kanyang ex-husband ay may mga kaganapang nagbabanta sa kaligtasan ng tao.

Hanggang dito na lang po ang kuwento.

NAGMISTULANG PIYESTA ANG first taping day ng mini-series na Lady Dada, kung saan bida ang expectant father in real life na si Ryan Agoncillo. This is Ryan’s second regular exposure on TV5, the first being the top-rating Talentadong Pinoy.

May fiesta ambience in the sense na sinorpresa ng misis ni Ryan na si Judy Ann Santos ang cast na binubuo rin nina Mylene Dizon, Keempee de Leon, Ryan Eigenmann, Edgar Allan Guzman at QC Councilor Roderick Paulate. Masaya ring naki-jam ang direktor nilang si Bb. Joyce Bernal.

Smooth naman ang taping kung saan isa sa mga dapat abangan ay ang production number nina Ryan Agoncillo at Keempee, something that will surely bring the house down.

As previously written, nagkaroon ng konting hitches bago nasimulan ang taping ng Lady Dada dahil hindi pa naka-cast finally kung sino ang magiging love interest dito ni Ryan.

PARA HINDI MASABIHANG lumabag sa tinatawag na breach of trust ay ibinlind item ng kasamang Gorgy Rula sa Tweetbiz noong nakaraang linggo ang dating sexy actress na ngayo’y tatlong buwan nang buntis sa isang lalaki na sa ibang larangan nalilinya. Ganito katipid ang pagkakakuwento ni Gorgy sa kanyang segment, na kahit anong udyok naming magbigay ng karagdagang clue ay tumanggi siya. Nangako raw kasi si Gorgy sa aktres na ‘yon na hanggang doon lang muna.

Araw ng Lunes ‘yon, Huwebes nang muli kaming magkita sa taping ng Tweetbiz, that same day rin ay pinangalanan sa isang tabloid ang aktres na ‘yon: si Ynez Veneracion. At ang nakabuntis sa kanya: si Toto Mangudadatu ng Mindanao.

Early on, nakadalawang beses na naming nai-phone patch interview is Ynez, sumentro ‘yon sa kanyang umano’y kaugnayan sa nasabing personalidad. Wala raw silang relasyon, ani Ynez. Tinulungan lang daw niya ito noong kampanya para sa May 2010 elections.

Sabado, sa isa pang tabloid ay itinanggi ni Ynez sa ka-chat niyang reporter sa Facebook ang tungkol sa kanyang pagdadalantao, gayong Lunes bago ‘yon ay kausap nga niya si Gorgy sa telepono at ipinagtapat nga nito ang kanyang kalagayan.

Isa si Ynez sa mangilan-ngilang nagpapaseksi noon na kilala bilang prangka kapag kausap. Pero malaki ang kaibahan ng pagiging diretso at ng pagiging totoo. Dapat pa nga niyang ipagmalaki na anim na buwan mula ngayon ay makatatanggap siya ng regalo mula sa itaas, biyayang hindi niya dapat ipagsinungaling kung ang inaalala niya ay ang epekto nito sa kanyang career.

‘Yun ay kung meron pa.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

11 thoughts on “Dating misis, pinaniwala ni aktor na ligal ang kanilang diborsiyo!

  1. http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=604980&publicationSubCategoryId=96
    Linggit Tan statement :
    “Isang patunay na hindi pa siya nagbabago ay ang pagbibigay niya ng mga kondisyon sa kanyang pagbabalik. Pinapatanggal po niya sina Mariel Rodriguez at Pokwang sa programa at dapat din daw siyang suwelduhan habang siya ay suspendido. Kaya’t marami pa kaming dapat pag-usapan at ayusin. Naniniwala ang management ng ABS-CBN na dapat isabuhay muna ni Willie ang pinahahalagahang values at work ethics ng kompanya bago siya bumalik sa telebisyon. At bukod pala sa pagpapatsugi sa mga babaeng co-hosts kasama sa mga demands ng controversial na TV host ang mga sumusunod:Return of DJ Coki and Ana Feliciano to Wowowee, Change of program from Wowowee to Wowowin, Inclusion of Pinoy Big Brother winner Melai as host of the show, Special ID cards for staff of Wowowee,Special vehicle access privilege for the TV host in restricted areas within the ABS-CBN compound.,AT IBA PA…WOW NAMAN, KAPAL MO PUPPIE, DAMI MONG DEMAND MABALIK KA LANG, SIGURO SIRA ULO NG NGA TAONG TO.

  2. Lalo pa raw nainis ang misis dahil ang nasabing lugar na binanggit ng kanyang ex-husband ay may mga kaganapang nagbabanta sa kaligtasan ng tao.

    baka naman pinapapunta ni robin si liezel sa lugar kung saan maraming abusayaf.

  3. …kung ang inaalala niya ay ang epekto nito sa kanyang career.

    eh,wala namang career si ynez, veneracion.

    nako, naging tampok pa si ynez sa SINO? nila mike at arnold e.

  4. OBVIOUS BA? SI ROBIN PADILLA. MAGINOO RAW. AHAS PALA. WE CAN’T WAIT FOR LIEZEL’S ANNOUNCEMENT. ROBIN, HUWAG KA NA LANG BUMALIK SA PILIPINAS WIN NA WIN. MARAMI NANG GALIT SA IYO. MARIEL, KARMA IS JUST AROUND THE CORNER. HUWAG KAYONG MANAGASA NANG KAPWA, PUBLICITY WHORES.

  5. TH ronnie crashcomukhamo, nasaan ang “exercising editorial prudence” na sinasabi mo? nagblind item ka pa e pinangalanan mo na lang sana. or baka naman hindi mo lang talaga alam ang ibig sabihin ng editorial prudence. buti pa bumili ka muna ng diksyonaryo baka sakaling maintindihan mo.

  6. tagal na naglive in ni ynez saka ni mon, hindi nabuntis si ynez, pero kay magundadatu ilang months lang buntis kaagad. tsk..tsk..

Leave a Reply

Your email address will not be published.