Dating matinee idol na si Jose Mari Gonzales pumanaw sa edad 80

Jose Mari Gonzales

PUMANAW NA ang dating matinee idol ng Sampaguita Pictures na si Jose Mari Gonzales nitong April 16 ng umaga sa edad na 80. Pneumonia at cardiac arrest ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Bukod sa pagiging matinee idol noong kapanahunan niya ay isa ring musician, businessman, politician at dati ring president ng RPN-9 si Gonzales.

Siya rin ang ama ng singer-actress turned politician na si Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez.

Ilalagak ang labi ni Gonzales sa Heritage Memorial Chapel in Taguig City hanggang Biyernes Santo, pero wala pang update kung kailan siya ililibing.

Idinaan naman ni Kring-Kring sa post niya sa Facebook ang pamamaalam sa yumaong ama.

“Goodbye Dad! You have been a Blessing to Mom me jolong mike anna chemari and to our whole family. I am blessed to have you as my father.

“So many good memories with you and Mom since we were little never failing to take us with you on your trips out of town. Being quite strict to us but within reason. I have learned so much from you. You will always be in our hearts! We love you Dad!” post niya.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.