Dating matinee idol, inisnab ng sexy dancer sa isang stag party! – Joey Sarmiento

SA ISANG STAG party, present ang dating matinee idol at daddy ng isang female young star. Op kors, dahil stag party ‘yon, may gumigiling na seksing tsiks na two-piece bikini lang ang suot.

Na-elya-elya ‘ata ang dating matinee idol kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili at lumapit siya sa chikababes na nagse-sexy dance sa saliw ng tugutuging “Careless Whisper,” Hmm… may nare-remember ba kayo du’n?

Kaso, naasar nang todo ang erpats ng female young star dahil no pansin siya sa sexy dancer. Inisnab. Ni hindi man lang siya tiningnan. Ni hindi man lang siya hinawakan at sinayawan.

Natapos na ang kantang “Careless Whisper” at umalis na ang seksing dancer pero naiwang nakatulala si dating matinee idol. Parang hindi siya makapaniwalang de-deadmahin siya ni sexy dancer.

[ad#post-ad-box]

Lesson of the day: Dapat ay pigilan ang elya lalo na’t nasa harap ng mga tao at lalung-lalo na kapag oras na ng “Rosalinda” …getz?

TRUE BA ITONG nakarating sa aming balitang nag-cool off daw ang matagal nang mag-dyowang sina Jopay Paguia and Joshua dahil kay Felix Roco?

Kung totoo man ang tsismis na ito, e, roco-roco nga itong si Felix dahil matagal nang mag-on ang dalawa na kulang na lang ‘yata, e, kasal, tapos, nagkahiwalay pa nang dahil sa kanya.

NAGWAWALA ANG ILANG Vilmanians sa e-mail messages na natatanggap namin. E, bakit naman?

‘Yon, e, dahil sa sinabi ni Kris Aquino sa launching ng kanyang endorsement ng 555 Tuna Sardines na in favor siya kay Sharon Cuneta na gumanap sa papel ng kanyang ina kapag naisa-pelikula ito kesa kay Vilma Santos. Sabi kasi ni Tetay, feeling niya raw, e, mas magaling mag-Ingles si Shawie kesa kay Ate Vi.

Medyo masasakit ang mga salitang nakarating sa amin galing sa Vilmanians na kung nakasusugat lang ang mga salitang ‘yon, e, siguradong black and blue na ngayon si Kris.

Pati nga si Ginger Conejero na kaharap daw ni Tetay sa event na ‘yon, e, na-shock sa sinabi ni Kris tungkol kay Ate Vi.

Hay, naku! Siguro nga, umandar na naman ang pagka-taklesa nito.

At kung sakaling magkasalubong sila ni Ate Vi, duda lang namin, baka hindi ito makipag-hi five kay Tetay… hmmm!!!

DEADMA NA LANG ang TV host at ang eventologist na si Tim Yap sa mga nang-iintriga tungkol sa kanyang pinamigay na relief goods nu’ng nakaraang bagyong Ondoy. Sabi kasi, pinagyayabang daw niya ang mga signature shirts and stuff na kanyang ipinamigay pero ayaw na raw niyang mag-react tungkol dito.

Ang mahalaga raw ay nakagawa siya ng maganda sa kanyang kapwa at nakapamahagi siya ng kanyang blessings. Nagpapasalamat din siya sa mga magagandang projects na dumarating sa kanyang buhay.

Kasama si Tim sa pelikulang Mano Po ng Regal Films at meron din siyang bagong daily TV show na inaasikaso kaya hangga’t maaari, e, ayaw na niyang mag-react sa mga negatibong intriga.

TY na lang daw sa mga taong nagbibigay ng kulay sa ginawa niyang pagmamagandang-loob, sabi pa ni Tim.

For reactions, please e-mail: mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Related Post

loading...

7 thoughts on “Dating matinee idol, inisnab ng sexy dancer sa isang stag party! – Joey Sarmiento

  1. walang kasawa sawa ang GMA pagproduce ng series dyan sa sex bomb dancers na yan, puro baduy story, aulit ulit nalang ang bida, mga walang K umarte, pang-katulong talaga, minsan nga pati katulong di na maka-relate sa kabaduyan ng script writer ng daisy syete (syet!) mga bwiset!

  2. di rin bagay na young Cory si Juday dahil sablay din ang pag-english nya, matigas din dila nya kaya magkakatalo sa diction.
    lalong di bagay si Shawie, dambuhalang version sya pag nagkataon, bagay nyang ganapan ang real life story ni Nanette Inventor o kaya ni Ike Lozada if possible.

  3. Masakit man sabihin, pero totoong mahina at pangit ang punto ni Vilma sa Ingles, habang si Cory ay kumportableng-kumportable sa pag-i-Ingles. Kung si Vilma ang naging Cory, sobrang distracting ang pag-i-Ingles niya na di magiging epektibo ang pagganap niya as Cory. Di bagay sa kanya ang role.

Leave a Reply

Your email address will not be published.