Dating Matinee Idol, Basted sa Seksing Member ng Female Group!

BLIND ITEM: SINUBUKAN palang ligawan ng isang dating matinee idol ang member ng isang all-female group pero one week lang daw nagtagal ang panunuyo nito at basted agad.

Nope! Hindi naman binasted ang dating matinee idol dahil sa hindi siya type ng sexy star. May malalim na dahilan kung bakit hindi siya pumasa sa standard-ek ng girlet.

Kung single lang daw ang matinee idol e, puwede na sana siyang pumasa, pero tinawagan daw siya ng asawa nito at pinagsabihan ng hindi maganda. Sinabihan pa siya ng malandi at mang-aagaw ng asawa kaya ayun, hindi nakapasa ang boylet sa kanya.

At kahit na may ganu’ng eskandalo na nangyari e, tinuloy pa rin daw ng dating matinee idol ang panliligaw pero dahil ayaw na ng gulo ng girlet e, tinapat niya ang boylet na wala itong maaasahan sa kanya.

Clue? Mahilig mamitas ng bulaklak ang girlet na member ng all-female group at kapag napapadaan kayo sa Roxas Boulevard e,siguradong maaalala n’yo naman ang dating matinee idol na ito… getz?

ITO, HUH! JUST asking lang naman. Kasi lagi na lang kinukulit si Rufa Mae Quinto kung ang Mr. M ba na tinutukoy sa kanyang lovelife e, ang honorable na si Cong. Mikey Arroyo.

Sa true lang, kung hindi ito si Mikey e, puwede naman niya agad sabihin na hindi ang kagalang-galang na congressman ang tinutukoy na Mr. M sa kanyang buhay, ‘di ba? Pero imbes na sabihing “hindi” e, sinasabi pa ni Booba na si Mikey na lang daw ang tanungin tungkol sa bagay na ‘yan.

Bigla tuloy kaming napa-research. Nagkasama kasi ang dalawa noon sa ilang mga pelikula and there was a time na na-link din ang dalawa at sinasabi pang pinadadalhan siya ni Mikey ng P250K a month bilang sustento.

Bukod du’n, may pagkakataon din daw noon na nakitaan si Rufa Mae na sinundo ng mga PSG nang dumating siya sa airport.

Kung bubuuin natin ang mga tsismis na ‘yon na parang puzzle e, kayo na po ang mag-judge kung ano ang conclusion nu’n kahit na hindi kayo judge. Hek-hek-hek!!!

Uy, huh! Hindi namin sinasabi na si Mikey ay si Mr. M, huh!

KAHIT NA ANG mga executive officers ng Columbia Digital Star Corporation (dating Columbia Digital Sales Company) ng Nikon na sina Anderson at Pamela Tan ay nagsasabing madugo talaga ang talent fee ni Manny Paquiao kapag kinukuhang endorser.

For a year kasi e, si Pacman ang nag-endorse ng kanilang compact digital camera at aminado naman ang magkapatid na tumaas ang kanilang sales because of the endorsement but also, because of the sky rocketing TF ng magaling na boksingero e, hindi na nila ni-renew ang contract nito.

Instead, they are now eyeing for another celebrity endorser with a lesser rate para mag-endorse ng kanilang mga produkto kahit na meron silang mga professional photographers like Jun de Leon and Dominic James na nagpo-promote ng kanilang mga cameras.

Anyway, para sa mga would-be photographers, may seminar na in-organize ang grupo ng Nikon that would have popular photographers as the speakers at puwede raw silang mag-log-in sa www.columbiadigital.net para sa iba pang mga details.

Ms. Pamela promised na very reasonable ang fee para sa makabuluhang seminar na ito kahit na itanong n’yo pa sa beauty queen na si Ms. Hemelyn Escudero, na hobby na rin ngayon ang photography.

For reaction, please e mail mediatouch2000@yahoo.com.

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

10 thoughts on “Dating Matinee Idol, Basted sa Seksing Member ng Female Group!

  1. kasalanan din ni rufa mae quinto kung bakit hindi mawala2 ang tsismis sa kanila ni m. arroyo. Pabulaanan niya na hindi si mikey arroyo un para matigil na ang usapan. Gusto kasi niya ay lagi siyang napaguusapan, un lang. :-)

  2. see:
    Beware ABS CBN, isang Certified Jinx si Willie, like si Villar, Roxas, kahit si Rico Puno natalo sa eleksiyon dahil sa kanya, in millions talent fee ni Yabang sa mga taong to, and who can forget Stampede Tragedy, etc. etc….
    79,500 petisyoner na galit kay Willie Revillame: ****://www.petitiononline.com/mod_perl/signed.cgi?badwilly

  3. ILUSYUNADA ETONG SI RUFFA DESPERADA NA KASI WALA NA SIYANG GANDA AT LANTANG GULAY NA SIYA

    • ang galing ah. d ko naisip c jake roxas. tama! may asawa na un. cno ba ung niligawan nyang viva hot babe?

Leave a Reply

Your email address will not be published.