Dating Konsehal, Tiklo sa Carnapping

ARESTADO ANG dating konsehal dahil sa kasong carnapping sa bayan ng Malasique, Pangasinan.

Nakilala ang nasabing suspek na si Canuto Mendoza, 56-anyos ng Brgy. Alcan Malasique.

Base sa report ng mga awtoridad, matagal nang minamanmanan ang naturang suspek.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay agad silang nagsagawa ng operasyon sa pangunguna P/Insp. Gerardo Macaraeg sa superbisyon ni P/Supt. Policarpio Cayabyab Jr. hepe ng PNP.

Naging katuwang ng mga kapulisan ang San Carlos PNP sa pangunguna ni P/SInspt. David Cruz at sa bisa na rin ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Hermohenes Fernandez ng RTC Branch 56.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga kinauukulan ang suspek matapos bigong bayaran ang piyansang P180,000 upang pansamantalang makalaya. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.