Dating Kapitan ng Barangay, Kritikal sa Hold-Up

NASA KRITIKAL na kalagayan ngayon sa isang pagamutan ang isang 62-anyos na dating barangay captain at kaanak ng nanunungkulang alkalde matapos na barilin habang hinoholdap ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo sa Bgy. Poblacion, Sta Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Anselmo Ramos, negosyante, kaanak ni Sta. Maria Mayor Bartolome Ramos at residente ng Bgy. Bagbaguin sa bayang ito.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-8:10 ng gabi, kasalukuyang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng F. Halili Ave., Brgy. Bagbaguin at papauwi na sa kanyang bahay nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang dalawang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo at agad na inanunsyo ang holdap habang nakatutok ang isang .45 kalibre ng baril mula sa backrider nito.

Habang nililimas ng mga kawatan ang mga alahas at pera ng biktima, bigla itong nanlaban dahilan upang barilin ng mga suspek na tinamaan sa bahagi ng kanyang  tiyan.

Agad ding tumakas ang mga holdaper patungo sa direksyon ng Brgy. Muzon sa San Jose Del Monte City bitbit ang nakulimbat na kagamitan ng biktima.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.