Dating Junior Action Star, Dismayado Sa Pagkataklesa Ng Gustong Ligawang Female HOST!

 

NALOKA PALA ANG isang junior action star dati nang ligawan niya ang isang TV host.
Nagpasabi kasi ang macho star na gusto niyang dumalaw sa bahay ng isang sikat na female host. Pumayag naman kaagad ang hitad.
At sa sobrang excitement, naku, ang lola n’yo ibinalita kaagad sa kanyang reporter-friends ang planong pagdalaw ng bago niyang suitor with matching invitation na rin sa movie scribes.
Noong araw ng pagdalaw ng action star, naloka na lang siya dahil nadatnan niya sa condo ng host ang apat na reporter. But gentleman that he is, tumuloy pa rin siya. You can only imagine his discomfiture in the situation that he was in at that time.
With that scenario, hindi na nasundan pa ang pagdalaw ng actor sa taklesang host.
Da who ang action star? Naku, kasama siya sa seryeng ang tema ay pinasikat ng isang controversial group of players.

(By Alex Brosas)

loading...

7 thoughts on “Dating Junior Action Star, Dismayado Sa Pagkataklesa Ng Gustong Ligawang Female HOST!

  1. si RAymart Santiago. clue kasama sya sa seryeng (futbulilits) pinasikat ng controbersyal na groups of players (phl Azkalz.)controversial gawa nung rape issue at sikat na sikat sila ngayon..di ko lang makuha ang taklesang tv host.

Leave a Reply

Your email address will not be published.