Dating Guro, Tupok sa Sunog

PATAY ANG dating teacher matapos hindi nakalabas sa nasusunog na bahay sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Marivic Meneses, 52, dating teacher sa Marulas Elementary School at residente ng Magsaysay St., Marulas ng lungsod.

Base sa ulat, alas-8 ng umaga nang magsimulang masunog ang bahay ng biktima. Hindi na nakalabas ang biktima na nasa ikalawang palapag na naging dahilan upang kasamang matupok.

Tumagal ng kalaha-ting oras bago naapula ang apoy habang wala naman nadamay na kapit-bahay.

Inaalam na kung ano ang pinagmulan ng apoy.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.