Dating guro na nakulong sa estafa, nag-suicide

CEBU CITY – DAHIL sa tindi ng depresyon at pag-aakalang wala nang pag-asa sa mga kasong kinakaharap, winakasan ng isang dating guro ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang selda sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktima na si Samuel Mavida, 50-anyos at residente ng Bgy. Pardo.

Sa ulat, anim na buwan nang nakakulong si Mavida bunsod ng kasong estafa at illegal recruitment.

Sa imbestigasyon, kumuha ng damit si Mavida at pinagdugtong ang mga ito na ginamit sa pagbibigti sa loob ng Cebu City Jail.

Ayon sa kaanak ni Mavida, posibleng labis na kalungkutan sa pag-aakalang katapusan na ng mundo ang sanhi ng pagpapakamatay ng dating guro.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.