Dating glamorosang TV host-actress, laging ubos ang pera!

KILALA N’YO BA kung sino itong female TV Host cum actress na nawala na ang pagiging glamorosa? Bakit? Aba ikaw na ang bumuhay at magpakain ng sandamakmak na tao dahil lang sa kanyang pagmamahal at buhay-may asawa.

Palaging ubos ang kanyang pera. Kaya hindi na raw ito nakakabili ng mga gusto nitong gamit sa kanyang pag-aartista. Ang dating mahilig sa mga branded ay biglang nawala na parang bula. ‘Pag payday raw, nangunguna na sa pila ang TV host-actress.

Kapag may kumukuha nga raw sa kanyang raket, ang TF kaagad ang kanyang tanong. Magkano ang lagi nitong sambit.

Kung sa bagay, noong  may boyfriend  siya noon, balita rin na siya ang madalas gumastos sa lalaki.

Kilala n’yo na kung sino siya? Yes, may Mister na siya…

(By Fernan de Guzman)

Previous articleKomedyana, naiipit sa bangayan ng 2 kaibigang aktres!
Next articleKomedyana, naiipit sa bangayan ng 2 kaibigang aktres!

No posts to display