Dating DepEd Officials, Absuwelto sa Noodles Scam

PINAWALANG-SALA NG Office of the Ombudsman sina dating Department of Education (DepEd) Sec. Jesli Lapus at iba pang opisyal na unang isinangkot sa kontrobersiyal na “instant noodles” scam.

Sa resolusyon na inilabas ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ibinasura nito ang isinampang administrative at criminal charges laban sa mga respondents dahil sa kawalan umano ng sapat na ebidensiya.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo hinggil sa maanomalyang bidding ng DepEd para sa pagbili ng mga fortified instant noodles na batay sa alegasyon, overpriced umano ang kontrata.

Sa findings ng Ombudsman, lumalabas na dumaan umano sa tamang proseso ang bidding, kabilang na ang “publication requirements” nito sa mga pahayagan.

Maliban kay Lapus, kabilang din sa mga respondents ay sina dating DepEd undersecretary Teodisio Sangil, Jr.; dating DepEd Bids and Awards Committee vice chair Demetria Manuel; at mga miyembro na sina Nanette Mamoransing, Macur Marohombsar at Artemio Capellan, Jr.

Sangkot din sa naturang kaso si dating DepEd officer-in-charge Ramon Bacani at ang mga opisyal ng food manufacturer na umano’y nakipag-sabwatan sa mga opisyal ng pamahalaan para sa mahigit P300 milyon na kontrata sa pagbili ng 16 milyong pakete ng sinasabing “fortified instant noodles with fresh eggs”.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.