Blind Item: Dating child star na TV host ngayon, kalaguyo ng miyembro ng production team?

GAANO kaya katotoo ang nakarating sa aming impormasyon na kalaguyo umano ng isang taga-produksiyon sa pinaglilingkurang TV network ang isang magandang TV host?

Mistulang homewrecker nga raw ang nasabing TV host na nagsimula sa showbiz bilang isang child star. Alam nga raw kasi ng ating bida na pamilyadong tao ang prince charming na nakalente sa kanya, pero deadma lang daw ito, masunod lang ang dikta ng kanyang puson… este, puso!

Alam din daw ng mga kasamahan nila sa produksiyon ang milagrong nagaganap sa pagitan ng dating child star na TV host at ng miyembro ng kanilang production team, pero tila “see no evil, hear no evil, speak no evil” ang motto ng mga ito.

Fight, fight, fight nga yata ang drama ni TV host sa kanyang illicit affair, huh!

Kung totoo ang tsikang ito, makabubuti sigurong lumayo na sila sa pareho sa kaway ng tukso. Ayaw ni Eva Eugenio n’yan,huh! Hahaha!

Ito naman kasing si TV host, bukod sa bata at maganda, matalino din naman siya, ‘no? Kung bakit naman kasi hindi gamitin ang utak. Kaya nga inilagay ‘yan  sa katawan natin na mas mataas kaysa sa puso, para ‘yan ang unang gamitin.

Ayan tuloy, lagapak… bagsak! Kumbaga sa grado… Singko! ‘Yun na!

By Parazzi Boy

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.