Dating child actor, nag-vote buying para manalo ang anak sa isang baby contest

WALANG-WALA RAW ni katiting na kainsekyuran sa katawan niya ang komedyanang si Marissa Sanchez. Kahit ano raw ang sabihin, ipintas o ipuna sa kanya eh, mate-take naman niya with a grain of salt.

Ang hindi nga lang daw nito p’wedeng i-allow eh, ‘yung may mag-flirt sa kanyang mister na si Ian (Nava). Sa pakikipagkuwentuhan namin sa isa sa mga main cast ng Idol ng ABS-CBN, sinabi nito na there was a time na nagkaroon sila ng hidwaan ni Jessa Zaragoza, na ilang beses nilang nakasama ni Ara Mina sa shows nila ng “Soul Diva” abroad.

Pero sa pagkakataong ito, dahil magkasama sina Marissa at Jessa sa Idol, sila ang super close sa isa’t isa at madalas na magkatsikahan kapag hindi sila kinukunan ng kanilang mga eksena.

“Hindi ko lang talaga ma-take kapag may nagpi-flirt pa kay Ian.”

Sa kanya na rin naming itinanong kung totoo ba ang kumalat na mga balitang diumano’y maghihiwalay na sina Jessa at Dingdong.

“Hindi totoo ‘yun. Normal lang sa mag-asawa ang magkaroon ng mga problema at hindi pagkakaunawaan every once in a while. Kahit naman sa mag-syota pa lang, nangyayari na ‘yon. Pero, hindi naman para masabi ng maghihiwalay na sila. Nakita ko naman kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.”

Underrated. ‘Yan ngayon ang gustong ibansag kay Marissa ng mga nakapalibot sa kanyang press. Kasi nga raw, matagal na rin ito sa larangan ng pagpapatawa, pati sa pagkanta, pero manaka-naka na lang kung mapansin siya.

“Sa TV lang naman ako hindi nagiging visible. Kaya with the help of Mama Ogs (Ogie Diaz), ngayong ipinagkatiwala na ako sa kanya ni Tito Nestro (Cuartero), naibigay sa akin ang role sa Idol which was originally intended for Ms. Joy Viado. At sa akin, trabaho ito kaya, kahit na masasabing second choice ako, hindi ko mamasamain ‘yun. Blessing pa rin itong maituturing. Sabi ko nga, there are no small roles, only little appearances on TV. Sa mga shows ko naman as a singer and comedienne din ako nakakabawi.”

Pero, hindi pa raw sila makabawi ng mister niyang si Ian sa lahat na ng prosesong kinailangan nilang pasukan para lang makabuo ng inaantabayanan nilang bata sa kanyang sinapupunan.

Aminado si Marissa na malaki na rin ang nagastos nila at wala namang kasiguruhan na mabubuntis na nga siya.

Sa taping ng Idol, Marissa had the chance rin daw na makilala at makausap ang dakilang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.

“Mas naiintindihan ko siya ngayon. Sa pag-aalaga na ginagawa niya kay Sarah. Kaya, hindi maiaalis na marami ang mainggit sa kanila. Bitter lang ang iba. Kasi, hindi na virgin ang mga anak nila,” sabay tawa.

At nagdagdag pa, ha? She lost her virginity raw at the age of 28!

Ano’ng itatawag natin dyan? Major, major late-bloomer? Eighteen na raw kasi siya nang magkaregla siya at napaka-iregular nito kaya raw siguro hirap nga siyang magdalang-tao.

HINDI NGA AKO makapaniwala sa blind item ng isang katoto sa Facebook tungkol sa isang dating child actor noong 80s, sa ginawi nito sa isang baby contest sa isang mall.

Isinali kasi sa nasabing contest ng aking colleague sa panulat ang kanyang anak. Hindi naman daw kasi naging shopper’s choice ang anak ng dating child star at ng kanyang misis. Kaya, naloka na lang ang aking katoto nang bumibili na ng boto ang nasabing mag-asawa para ang anak nila ang mapili o manalo.

Diumano, career sa pagkaskas sa kanilang credit cards ang mag-asawa to the point na mismong ang mga sales clerk na ang nagsabing career ang shop and vote ni former child actor.

Actually, naturol ko agad ang tinutukoy na child actor. Ako na ang nagbigay ng initials. At kinumpirma naman ito ng aking colleague.

Hindi rin ako maniwala. Kasi, ilang beses kong nakasama sa ilang buwang prayer meeting ang nasabing child actor. Kulang na nga lang sabihing nasa path na ito of becoming a pastor.

Aloof nga ito sa akin. Kahit na noong araw, isa ako sa naging publicist ng pinagbidahang show niya na ang titulo eh, kasama sa mga kulay ng bahaghari!

Sounds like trukaret-pakbet ang cheez!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

6 thoughts on “Dating child actor, nag-vote buying para manalo ang anak sa isang baby contest

  1. si jaypee de guzman yan.. nabasa ko na naman ulit ang BI na toh pero yung ibang reporter naman ang nagsulat, masama lang kasi ang loob nung collegue nila kasi walang panggastos, YUN NA!

  2. ang iba kcing reporter (hindi lahat) may maisulat lang cege lang ng cege kahit walang kalatoy latoy basta lang may maihabol s deadline, tulad ng article ng pilar mateo n ito, wala nman masama don s ginawa ng tatay eh kahit ako ilalaban ko manalo lang ang anak ko, basta b wala kang inaagrabyadong tao walang masama don, sk money contest yan eh. bk c pilar mateo ang naiingit o naiinis s tatay non baby.

  3. Sobra naman!! Walang masama sa ginawa ng tatay, aba kahit naman siguro sinong magulang mag eefort na manalo ang anak. Yung nagchikang katoto mo Pilar mateo, ay baka hindi pa nakaranas maging isang ama kaya never niya naunawaan ang feeling. Walang kwenta ang blind item mo para lang may ma BI!

  4. kahit naman sinong magulang ay ganuon ang gagawin para sa kanilang anak. Okay lang yun basta ba binabayaran mo ang utang mo eh at hindi mo tinatakbuhan.

  5. kaya nga tatay siya.. gagawin niya talaga kung anong nakakabuti para sa kanyang pamilya! inggit lang yung wala paangkas-kas ng credit card! at yung ang paraan ng pagkuha ng boto eh! umusad na naman pagiging talangka ni pillar

  6. wala namang mali sa ginawa nung tatay kung hindi bawal sa rules ng contest. gusto nyang manalo yung anak nya, so gumastos sya. sana kung ang ginawa nya ay may binayaran syang tao pra baguhin ang result or yung rules para sa advantage nya, yun ang mali. mautak lang yung mall at kumita sila sa pa-contest nila. inggit lang yan, masama sa puso.

Leave a Reply

Your email address will not be published.