Dating Brgy. Chairman sa Naga City, Nagbigti

MATAPOS WAKASAN ni dating Punong Barangay Daniel Alambra, Jr. ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti kamakalawa sa kanilang mismong bahay sa Barangay Triangulo sa Naga City, naging palaisipan naman sa kanyang pamilya ang tunay ng dahilan ng pagpa-patiwakal nito.

Ayon sa kasalukuyang barangay chairman ng lugar na si Raymund Arevalo, sinabi nito na nagpatiwakal si Alambra sa hindi pa malamang dahilan.

Sinabi ni Arevalo, umalis umano ang asawa ng biktima upang bumili ng ulam subalit pagkauwi nito ay tumambad sa kanya ang nakabitin at walang buhay na katawan ng mister.

Labis-labis ang pangu-ngulila ngayon ng naiwang pamilya ng dating kapitan habang palaisipan naman sa kanyang dating mga kasamahan sa pulitika kung ano ang nag-udyok sa kanya upang gawin ang pagkitil sa sariling buhay.

Pagbibigay-diin ni Arevalo na malapit ding kaibigan ni Alambra, masayahin at matapang na tao ang dating opisyal.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nangyaring insidente upang malaman kung may naganap na foul play.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.