Dating Brgy. Captain, Patay sa boga

PATAY ANG isang da-ting punong barangay sa bayan ng Mabini, Pangasinan matapos itong barilin ng dalawang hindi pa nakilalang mga suspek.

Kinilala naman ang biktima na si Oligario Bonalos, 66, residente ng Brgy. Cabanaetan sa naturang bayan.

Base sa impormasyon mula sa Mabini PNP, binaril ang biktima ilang metro ang layo mula sa kanyang bahay habang ito ay nagpapastol ng kanyang alagang kalabaw.

Dalawang lalaki umano ang lumapit dito at binaril ang biktima gamit ang kalibre .30 carbine na baril.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit agad din itong binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Lumalabas sa pagsisiyasat, paghihiganti ang nakikitang motibo ng mga salarin sa pagpatay sa biktima dahil dati na umano itong naireklamo sa mga awtoridad.

Samantala, patuloy naman ang pakiki-pag-ugnayan ng mga kinauukulan sa pamil-ya ng biktima upang maresolba ang kaso, habang pinaghahanap na rin ang mga salarin sa pamamaril.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.