Dating boldie na si Rajah Montero, ibinulgar ang bugawan sa showbiz

Rajah-MonteroANG DAMI palang nag-abang sa kuwento namin tungkol sa talamak pa ring bugawan sa showbiz, ha!

Ang daming kuwento kasi ng dating sexy star na si Rajah Montero tungkol sa mga kilalang artista na na-involve sa escort service.

Ang iba naman daw, parang pa-dinner-dinner lang na walang hanky panky.

Kunsabagay, ang dami na akong naririnig tungkol diyan noon pa. Pero hanggang du’n lang.

Kahit nga sa mga aktor natin may ganu’n pa ring kuwento na involved naman mga mayayamang bading.

Hindi na bago ‘yan.

Ang nakatutuwa lang sa kuwento ni Rajah, nalagpasan niya ito at nakapag-ipon siya kaya hindi na raw siya babalik sa ganu’ng trabaho.

Nakakuha siya ng mga contact sa ibang bansa na kung saan doon siya nagtrabaho bilang entertainer.

Ewan ko lang kung may churvahan ding involved, pero nakapag-ipon si Rajah at nabili na nga niya ang bahay na tinitirhan nila sa Quezon City.

Nakapagpatayo siya ng tapsilogan malapit sa kanila, at ang bongga pa, nakapag-produce siya ng pelikula, ha!

‘Di ba kalalabas lang ng pelikula niyang Kamandag ni Venus, pero hindi yata kumita ‘yun kaya wa na agad sa mga sinehan.

Pero tuloy pa rin daw siya sa pagpu-produce kasama ang partner niya, dahil may datung pa rin siya.

O, ‘di ba? Hindi sumikat itong si Rajah. Inamin ang nakaraan niya, pero nagawa niyang hawakan nang mabuti ang buhay niya para makaahon at hindi mapariwara.

Sana natuto diyan si Rosanna Roces, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.