Dating Bise Alkalde at Misis na Kapitan, Patay sa Ambush

PATAY ANG dating bise alkalde ng Lingayen, Pangasinan kasama ang misis nito matapos na tambangan at barilin sa harap ng apartment ng kanilang anak sa Maceda St., Manila kamakailan.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa UST hospital si dating Vice Mayor Ramon Arcinue at asawa nitong si Zorahayda Arcinue na incumbent barangay captain ng Barangay Poblacion, Lingayen.

Batay sa pagsisiyasat, dalawang tama ng baril sa ulo ang naging dahilan sa pagkamatay ng dating bise alkalde habang isang tama sa ulo naman sa asawa nito.

Kabababa lamang sa kanilang sasakyan ng mag-asawa para bisitahin ang graduating student na anak nang mangyari ang pamamaslang.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang puspusang pagsisiyasat ng Manila Police District sa nabanggit na krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.