Dating barangay kagawad kulong sa estafa

ISANG DATING barangay kagawad na apat na taong nagtago ang inaresto ng mga elemento ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police hinggil sa kasong estafa sa nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.

Ang inarestong dating kagawad ng barangay ay nakilalang si Eugenio Saludar, 36, nagpakilala umanong empleyado ng Caloocan City Hall Planning Division at residente ng Barangay 28, Caloocan City.

Si Saludar ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Parañaque City Metropolitan Trial Court (MTC) Hon. Judge Bibiano Colacito hinggil sa paglabag sa Batas Pambansa Bilang 6 noong 2009.

Inaresto ang suspek nina PO1 Philip Tizon, PO2 Rodel Salinas at PO2 Abel Agulto, mga elemento ng Warrant and Subpoena Section ng nasabing tanggapan ng pulisya habang ito ay nasa isang barangay caucus kaugnay sa nalalapit na barangay election sa darating na Oktobre 28, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon pa sa pulisya, diumano si Saludar ay isang aktibong barangay kagawad sa Barangay 28 bago ito nakasuhan ng estafa ng isa sa kanyang mga dating kasamahan sa barangay.

 (ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.