Dating Bank Employee, Nanggantso ng P30-M

TINATAYANG AABOT sa mahigit P30 milyon ang nakurakot umano ng isang dating empleyado ng bangko at sa mahigit 20 mga biktima sa Ilocos Sur.

Pinaghahanap  na ng mga kinauukulan ang salarin na si Marites Rucod Abuan na taga-Dungalo, San Ildefonso sa naturang lalawigan.

Base sa salaysay ng isa sa mga biktima na si Liza Par, umangkat ang suspek ng alahas sa kanya at ibinenta ito sa mas mataas na presyo.

Nagtiwala naman ito dahil kapit-bahay niya ang salarin at sa maganda naman ang pag-remit niya ng pera hanggang sa kalaunan ay bigla na lamang nawala na parang bula.

Isa pa sa mga modus operandi ng suspek ay lokohin ang mga taong mayroong malaking pera sa bangko para i-withdraw at gagamitin sa negosyo kapalit ng mas malaking pera.

Sa kasalukuyan ay isa pa lamang ang nakapagsampa ng kaso, samantalang binabalak na rin ng mga iba pang biktima na magsampa rin ng joint complaint.

Tinataya ni Liza na aabot na umano sa P30 milyon ang nakulimbat ni Abuan.

Pero lumalabas sa natanggap na impormasyon ng mga biktima, ang suspek ay nagtatago na umano sa Metro Manila upang takasan ang mga responsibilidad.

Samantala, ang nasabing suspek ay mayroon nang warrant of arrest.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.