Dating Asset ng Pulis, Grabe sa Pamamaril

AGAW-BUHAY SA pagamutan ang isang lalaki makaraang dalawang ulit na barilin ng isang hindi nakikilalang suspek habang ang una ay naglalakad, kung saan sinasabing may kinalaman sa droga, sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na kasalukuyang inoobserbahan sa Pre. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng dalawang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa katawan ay si Delmundo Gonzaga, 38, binata at residente ng # 119 Villarama St., Brgy. 114, BMBA ng nabanggit na lungsod

Base sa ulat ni PO2 Joseph M. Dela Calzada, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong ala-1:30 ng umaga kahapon sa kahabaan ng 3rd Avenue, BMBA.

Lumalabas sa im-bestigasyon ni PO2 Dela Calzada, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang bigla na lamang binaril ng hindi nakikilalang suspek ang biktima na tinamaan sa likod ay tagiliran at nang duguang humandusay ang biktima sa kalsada ay mabilis na itong tumakas dala-dala ang ginamit na baril.

Si Gonzaga ay mabilis na dinala ng ilang residente sa nasabing lugar sa nasabing pagamutan kung saan ito ay nasa kritikal na kalagayan.

Nabatid mula sa ilang kalugar ng biktima, si Gonzaga umano ay da-

ting “Alpha” ng mga pulis na tumutugis ng mga nagtutulak ng mga ipinagbabawal na droga.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.