Dating Aktres, araw-araw nanghihingi ng pera sa mga actor-politician sa Senado!

SIPAT: IPINAUUBAYA na raw ni KRIS AQUINO kay JENNYLYN MERCADO ang BEST ACTRESS award sa darating na FILMFEST.

EKLAT: Naks, ASSUMING si TETAY!

SIPAT: In fairness, MUKHANG MAHUSAY ang ACTING ni JENNYLYN…

EKLAT: In COMPARISON kay KRIS.

SIPAT: AYOS lang daw kay PAOLO BALLESTEROS ang GAY ROLES.

EKLAT: HINDI kailangan ang MASYADONG EFFORT…

SIPAT: Uy, MAGANDA si PAOLO kung naging BABAE siya!

EKLAT: Kaya nga, KERI lang…

SIPAT: BAKIT ba AYAW MAMATAY ang ISYU kina ISABEL OLI at JAMES YAP?

EKLAT: Ay, NAPAG-UUSAPAN pa sila?

SIPAT: BAKIT ba GIGIL na GIGIL ang IBA na MATSUGI na ang PILIPINAS WIN NA WIN?

EKLAT: LET it DIE a NATURAL DEATH…

SIPAT: AARANGKADA siguro ang RATINGS ng PWW…

EKLAT: Kung ILALAGAY sa LATE NIGHT VIEWING!

SIPAT: LAYLAY raw TALAGA ang VIEWERSHIP ng PWW.

EKLAT: Mas MATAAS pa nga ang RATINGS ng SUNDAY TV MASS!

SIPAT: ‘KABILIB naman si ANGELICA JONES na NAKAPAGPATAYO ng CLASSROOM na GAWA sa mga PLASTIC MATERIALS.

EKLAT: Kaya siya na ang REYNA ng KAPLASTIKAN!

SIPAT: SIGURO MAKAPAGPAPATAYO ng isang MALAKING UNIBERSIDAD…

EKLAT: Kung ire-RECYCLE lahat ng ‘PLASTIC’ sa SHOWBIZ.

SIPAT: ‘Tsk. Parang KAWAWA naman ‘tong si [NAME ng EX-ACTRESS]. Lahat pala ng ACTOR-POLITICIAN sa SENADO, e halos ARAW-ARAW niyang BINIBISITA para UMAMOT ng DATUNG,’ medyo MALUNGKOT na tsika ng ating MAHADERA.

EKLAT: ‘Kasi naman, nu’ng KASIKATAN niya, e panay DROGA ang INATUPAG niya!’ ang biglang MATARAY na sey ng ating MAHADERA.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.