Dating actress-politician, pakalat-kalat na lang sa kalye at mukhang pulubi!

BLIND ITEM: SUPER imbiyerna na pala ang isang kilalang negosyante sa isang aktor na may pagkakautang sa kanya ng mahigit isang milyon.

Hindi na kasi nagpapakita o nagpaparamdam man lang ang aktor sa sikat na negosyante matapos na ito ay mangutang. Nagpadala na ng demand letter ang abogado ng negosyante, pero deadma pa rin ang aktor pati na rin ang kanyang ina na kasama niyang nangutang.

With this, magsasampa na raw ng demanda ang negosyante laban sa aktor at sa ina nito. Sa korte na lang daw niya dadalhin ang problema niya sa aktor.

Inactive na ang aktor sa showbiz, wala na siyang project sa pelikula at maging sa telebisyon. Matagal na siyang wala sa eksena at hindi namin alam kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon.

Noong unang mangutang ng P300,000 ang aktor sa negosyante ay magaling naman itong magbayad at on time. Walang naging problema ang kanyang inutangan kaya naman hindi nagdalawang-isip ang businesswoman na pautangin siyang muli.

Isa sa mga araw na ito ay lalabas na ang pangalan ng aktor kapag isinampa na ng negosyante ang demanda laban sa kanya.

HINDI NA KAMI nagtaka na si Melai Cantiveros, ang Kengkay ng GenSan, ang itinanghal na Big Winner sa Pinoy Big Brother Double Up Big Night.

Obvious naman kasing siya ang magiging Big Winner. Tinalbugan ni Melai ang apat pa n’yang katunggali na sina Paul Jake Castillo, Jason Francisco, Johan Santos, and Steve Jumalon.

Ang hindi lang namin ini-expect ay ang pag-third big placer ng dyowa ni Melai na si Jason Franciso. Ang feeling kasi namin, magiging second big placer siya kay Melai.

Anyway, deserving naman si Melai na magwagi. Sa simula’t simula pa lang naman ay siya na talaga ang nagpasaya at nagpasikat sa Bahay ni Kuya. Naaaliw sa kanya ang lahat ng televiewers at natural na natural siyang kung kumilos sa PBB house.

Ang balita namin, gagawan kaagad ng Star Cinema ng movie itong si Melai kasama ang Concert Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

BLIND ITEM: AWA ang naramdaman namin nang may magtsika sa amin na parang nawawala na sa sarili ang isang actress-politician na hindi na ngayon nakapuwesto.

Ang tsika sa amin, patambay-tambay na lang daw ito sa opisina ng isang dating aktor na ngayon ay isa nang matagumpay na politician. Ang nakaaawa rito ay parang luka-luka na ang aktres, parati siyang may dalang pusa at mukha siyang mabaho. Pinandidirihan nga raw ito kapag nasa tanggapan siya ng actor-politician para humingi ng tulong.

Sayang ang aktres na ito na magaling pa naman. Nasayang lang ang kanyang buhay dahil sa kanyang bisyo. Ngayon nga raw, pakalat-kalat na lang sa daan ang aktres at halos mukha nang pulubi.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

9 thoughts on “Dating actress-politician, pakalat-kalat na lang sa kalye at mukhang pulubi!

  1. pbb is not scripted,,,it could be manipulated yess..abs knows that the people love melai that’s why they showed the partial results of voting…kc naging complacent mga fans nya nung mag big jump cia, im sure kung di manalo c melai madmi mggalit that’s why abs did that…pinassaya lng ng abs ang mga tao!! i have nothing against PJ pero s lahat b ng botong natanggap ni PJ mgkano ba ang ginastos ng family nya??? in other words, hindi lhat ng boto ni PJ ay galing s masa…they have the money to support him all the way

  2. obvious na pinapanalo lang nila si melai. bakit nila kelangan ireveal nung tuesday ang personality ng ranking? at that time nangunguna si paul jake. tapos biglang umangat si melai sa big night? bakit kelangan nila ipakita yung ganun? anong intensyon nila? masisisisi nyo ba ang mga cebuano sa pagsuporta sa bet nila? histprically, pag cebuano ang nasa finals, solid sila kung bumoto lalo na kung hindi kinakainisan ang bet nila.

    malamang nireveal nila yun para ipakita na pangatlo lang ang gusto nila panalunin kaya pati yung si jason, kelangan isakripisyo. kung sabagay, ang pangit nga naman na ilaunch yung show nila na ang bida ay ipapakilala: PBB Double-up Second and Third Big Winners. Echapwera talaga si Paul Jake.

    In Fairness kay PJ, mukhang magaling syang character actor.

    Si Johan naman, feeeling sikat. Eh mukha namang may benefactor. Johan, di ka pa artista kaya umayos ka!

    • Bitter ka? hahhaa

      I compare nga natin ang Surbaboy sa PBB

      PBB
      Milyon ang nanuod
      Milyon ang nag-vote
      Ang daming pulitiko at bigating artista ang bumisita
      Bigaten ang prizes
      Worldwide ang mga contestants
      Worldwide ang auditions

      Surbaboy/ StarThumbtacks
      May nanuod ba don?
      May nagvote ba dun?
      May mga bumisitang artista ba don?
      May bigateng prizes ba dun?
      Parang puro tambay lang ang mga contestants

  3. as expected..winner ang melai..matagal na alam dito sa abs yan…well scripted ang pbb..palakpakan nyo naman…isang teleserye na well planned at acted…reality show ba to?..tanga lang umamin oo

    • Bitter ka? hahhaaha

      I compare nga natin ang Surbaboy sa PBB

      PBB
      Milyon ang nanuod
      Milyon ang nag-vote
      Ang daming pulitiko at bigating artista ang bumisita
      Bigaten ang prizes
      Worldwide ang mga contestants
      Worldwide ang auditions

      Surbaboy/ StarThumbtacks
      May nanuod ba don?
      May nagvote ba dun?
      May mga bumisitang artista ba don?
      May bigateng prizes ba dun?
      Parang puro tambay lang ang mga contestants

Leave a Reply

Your email address will not be published.