Darren Espanto, pinuno ng tilian ang concert sa MOA Arena

Darren-EspantoWATCHED DARREN Espanto’s first major concert sa MOA Arena last weekend. Clearly, Darren has a huge following. Although hindi naman punung-puno ang venue, hindi naman masasabing flopey ang concert niya dahil about 85% naman ang audience.

The first four numbers were met by thunderous applause. Nabingi kami ni Mareng Alwin Ignacio. We didn’t see it coming. Halos mabasag ang eardrums namin sa tili ng fans ni Darren.

Nag-guest ang The Voice winners na sina Jason Dy at Mitoy plus the runner-up of Jason na si Alisah Bonaobra. Ang unang guest niya ay si Robi Domingo na sumayaw.

Naghiwayan ang lahat nang lumabas si Bimby para sa dance number nila ni Darren. Cute ang anak ni Kris Aquino kaya lang parang kulang sa practice.

Birit kung birit itong si Darren na tila hindi napagod sa kanyang numbers. May kapalit na kaagad si Jed Madela sa biritan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleXian Lim, gustong mag-explore sa iba’t ibang roles
Next articleAnne Curtis, masakit sa ulo ang boses

No posts to display