Darna: Remake na ang palabas, remake pa ang cast!

Next Article »

« Previous Article

 

Posted on November 18, 2009 under Blogster

By Chiksilog

Ayan na nga ba sinasabi ko, hindi talaga bebenta ‘yang tamabalang Marian Rivera-Mark Anthony Fernandez na iyan kaya naisipan ng Siyete na ibalik ang mga interesanteng karakter sa naunang Darna tulad ni Katrina Halili at Dennis Trillo. Kaya lang, parang hindi na yata talaga nakayanan ang pagkalugmok ng palabas na ito at tuluyan na lang na sibakin sa katapusan ng buwan.

Bakit kasi kailangan ulitin ang Darna na may ibang bida? Wala na ba silang mapaglagyan kay Marian? Inulit na nga ang kuwento, inulit pa rin ang cast. Hindi ba nila alam ang konspeto ng originality? Kung sabagay, ano nga naman ang aasahan natin mula sa Siyete kundi puro remake at panggagaya. Nakakatawa lang kasi talagang nagbalak pa si Marian na mag-acting worskhop para rito, pero ano nangyari? Walang nagbago at nag-aksaya lang ng pera. Kung ako sa kanya pag-aralan niya na lang lumipad nang hindi nasusugatan ang singit niya mula sa pagkakatali ng harness baka sakaling makatulong pa ‘yun sa kanya at sa ating lahat.

Sabi ni Marian na wala raw siyang problema kahit kanino pero bakit napabalita na tinanggihan niya si Katrina na makasama? Hindi ba niya alam na si Katrina lang ang nagbibigay lasa sa mapaklang pag-arte niya? Sinabi rin niya na wala raw siyang karapatan na mamili ng makakasama. Oo, tama siya. Alam niya kasi na matatabunan ang pag-arte niya. Isa pa, halata naman kasi kahit anong pilit niya na iparehang muli kay Dingdong Dantes, hindi na mangyayari ‘yun kasi kahit ‘yung mga boss ng Siyete nauumay na sa kanilang dalawa. Ilang araw ang nakalipas, biglang napabalita na hindi raw biglang pinansin ni Marian si Mark Anthony nang minsang bumeso ang aktor sa kanya. Napakaselan naman ni Marian at namimili na siya ng labi na puwedeng dumampi sa pisngi niya.

Kung inaakala ng tao na walang tatalo sa Darna na si Angel Locsin, nagkakamali kayo dahil itong pangalawang ito ang tumalo sa pagkabaduy at pagkawalang kuwenta ng nauna. Walang-wala ka sa kalingkingan ni Angel Locsin para ikumpara ka sa kanya. Insulto para kay Angel Locsin, award-winning actress, na ikumpara siya kay Marian. Ang layo ng narating at natamo ni Angel at higit sa lahat hindi niya kailangan maglabas ng dance album para magpanggap na marunong kumanta at sumayaw para lang masabi na mas sikat siya.

Sabi mo, Marian, wala kang balita sa ratings ng palabas mo? Paano ang baba kasi. Sinimulan ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang at ngayon naman, Darna. Sinira mo ang magandang track record ng mga nasabing palabas. Kaya nga gumawa ng ganitong hakbang ang mga boss dahil nakikita nila na pabagsak na si Marian. Aminin na nating pinapanood lang ng nakararami ‘yan dahil sa costume mo pero bukod du’n? Wala na silang habol pa.

Marian Rivera, kung mahalaga sa iyo ang natitirang kasikatan na meron ka, ayusin mo ‘yan!

Make Pinoy Parazzi More Popular!
  • Twitter
  • Ping.fm
  • Facebook
  • Digg
  • Yahoo! Buzz
  • Google Bookmarks
  • del.icio.us
  • Technorati
  • Tumblr
  • StumbleUpon
  • Mixx
  • Ratimarks
  • Reddit

Related Posts

Post Tags: , ,


 Subscribe in a reader


Enter Your Email Address For The Latest Pinoy Parazzi News

 

Send us your celebrity gossip, photos and videos to mailbox(at)pinoyparazzi.com.

Next Article »

« Previous Article

 

Comments (79)

  1. carla says:

    dpat tsugihin na ung darna.
    hindi magandang halimbawa c marian s mga bata kc nagtatarantado xa

  2. ann says:

    What u guys mean na binaboy?binaboy ba?at di ba nag re rate?naku naman, pabagsak na ba si marian? why are u trying to pull her down. dami nga niya endorsers eh. kasi tayong mga pinoy di natin nakikita yong kalooban ng isang tao. mapang husga kayong mga pinoy and i’m not even proud to be a pinoy kasi masama ugali niyo.

  3. Kurt says:

    @private-ha? binaboy ba kamo?bat di kaya ikaw magsuot ng costume ng darna then compare urself?kung magsalita kayo akala niyo naman si angel ang original na darna para makapagsalita kayo ng ginaya lang siya.lol

  4. Kurt says:

    well kinikilala ba si angel ng kabataan?ang alam ko si angel ang walang utang na loob at mukang pera di ba?kaya nga siya lumipat dahil sa alok, bat di niya gayahin si michael v kahit sobrng laki ng offersa kanya ng dos di siya lumipat,

  5. jec p. says:

    dapat lang na bumaba at mawala show niya kasi MA-TANDARNA na siya! ginamit alng yung show na DARNA para palitawin na magcclick siya ulit sa audience. WELL HINDI PALA! kasi sobra hina ng show niya, na kahit sbaihin nananalo daw KUNO sa mega manila lang naman at di pa ganun kataas ratings ng show niya, mas malaaks pa rin ang IMPACT ng MAY BUKAS PA! angel locsin is angel locsin! award winning actress! di palstikada, di palengkera, mabait, mapagbigay at di NGPAPANGGAP! TOTOONG TAO! yung si tandarna!ewan! PWE!

  6. carla says:

    #

    anu bayan utang na luodb hindi na nahiya ang iba dyan pati c angel locsin dinadamy

    anu pa nga ba expectation natin sa mga tagahanga ni marian kung merun man baka bilang na bilang lang naman

    mga LOW STANDARD
    Reply
    #
    carla says:
    December 21, 2009 at 7:01 am

    o di ba, di lang palengkera mga fans ni marian. bobo pa! wag kang trying hard mag english gaya ng idol mo dahil mali mali rin naman

    huhuhuhuhuhuhuhuhuhu
    Reply
    #
    angel loyalist…… says:
    December 21, 2009 at 7:00 am

    agree aku dyan bat dinadamy dito ng iba ng=a nag bibigay ng mga comment c angel locsin?

    an bayan kung tunay na sikat c marian but d cya kinikilala ng mga kabataan sa anak tv seal awards never pa cya nakakuwa

    tandaan ang mga bata hindi nag ccnungaling!!!!!!!!!!!
    Reply
    #
    marianrivera the phenomenal fallen star says:
    December 21, 2009 at 6:58 am

    but dindamay nanaman dito c angel locsin anu bayan ang dami talagh bitter ky angel locsin

    insecurity can kill

    kung fans lang naman ang pag uusapan wagi na c angel locsin

    kung kasikatan man lang naman anu bayan walng duda angel locsin

    kung breeding lang naman ang pag uusapan ng mga tagahanga wagi na kami

    kung my bias na site ung pep un!!!!!!!!!!!!!!

  7. private says:

    ito dapat ang title ng show ni Marian Rivera: DARN(A)!!!
    as in DARN her, pati ang heroine ng Pinoy binaboy.

Leave a Reply