DAR, pumalag sa Malampaya fund misuse

TUMANGGI ANG pamunuan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa kasong plunder na isinampa ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kontra kay Secretary Virgilio Delos Reyes.

Maaalala na kinasuhan ang nasabing kalihim, pati si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at iba pang personalidad, hinggil sa umano’y maanomalyang paggamit sa P125 milyong Malampaya Funds.

Sinabi ni DAR Undersecretary Anthony Paruñgao na walang natanggap na pondo ang ahensya mula sa Malampaya ngayong administrasyong Aquino.

Gayunman, mayroon aniyang pondo na naibigay sa DAR at nagamit noong 2009 bago umupo ang punong ehekutibo.

Nagkusa na rin aniya silang imbestigahan ito. Nagsumite na aniya sila ng kopya ng mga dokumento sa Commission on Audit (COA) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon pa kay Paruñgao, handa silang makipagtulungan sa pagsisiyasat hinggil sa paggamit sa Malampaya Funds.

Inihayag na rin nito ang fund releases noong 2011 na hindi galing sa Malampaya na kasalukuyan nang iniimbestigahan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.