DAPAT siguro ay magtungo na sa dentista ang isang guwapong aktor

DAPAT siguro ay magtungo na sa dentista ang isang guwapong aktor, dahil baka hindi niya napapansin, kailangan na niyang magpalinis ng ngipin, dahil naninilaw na ang kanyang ngipin at may sumisingit-singit na parang tinga sa bawat ngipin.

Alam naming malakas magyosi ang young actor na ito, kaya sana, kung puwedeng once a month siyang magpalinis ay okay lang.

Sayang, eh. Ang ganda ng mukha. Mahusay umarte. Kumpleto ang ngipin, pero sa malapitan ‘pag pinagmasdan mong maigi, parang kaila-ngan na niya talagang magtungo sa dentista.

Walang kuwenta ang kagandahang lalaki kung ang humahanga naman sa kanya ay mapapatitig sa ngipin niyang marurumi’t punumpuno ng nikotina.

Hihintayin pa ba niyang magkulay lumot ito?

(Ogie Diaz)

loading...

5 thoughts on “DAPAT siguro ay magtungo na sa dentista ang isang guwapong aktor

Leave a Reply

Your email address will not be published.