Dapat ipareha sa ibang magaling
Elmo Magalona at Janine Gutierrez, parehong banong umarte

HINDI MAGANDA ang feedback sa sinasabing tamabalang Elmo Magalona at Janine Guttierez sa Villa Quintana na ginampanan noon nina Donna Cruz at Kempee De Leon. Baka raw maghatakan pababa at ‘di makatulong sa mga ito ang pagtatambal dahil parehong banong umarte .

Maalalang ilang beses nang nilait si Elmo dahil ilang beses na rin itong binigyan ng GMA-7 ng proyekto pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makaarte. Katulad ng nauna, hindi rin magaling umarte si Janine kaya naman daw mukhang maling desisyon ang pagtambalin ang mga ito.

Mas maganda raw na ipareha sina Elmo at Janine sa mahusay umarte nang madala ang mga ito. Nandyan naman sina Alden Richards, Lauren Young, Joyce Ching, Dennis Trillo, Dingdong Dantes , Bianca King, atbp. na hindi masusukat ang galing sa pag-arte.

 

NALULUNGKOT ANG kauna-unahang image model ng New Placenta for Men na si 2012 Munhunt International na si June Macasaet dahil may mga taong nagkakalat ng balita na tinanggal na raw ang kanyang title bilang Munhunt Philippines at Munhunt International.

Tsika nga nito nang makausap namin kamakailan na may mga tao raw na ayaw na nitong sabihin ang pangalan na gusto siyang mawalan ng titulo na ayaw na rin nitong idetalye ang dahilan.

Pero wala raw katotohanan ang kumakalat na balita dahil siya pa rin ang reigning Munhunt Philippines at Munhunt International. Nakausap na raw nito ang organizer ng Munhunt International at sinabing mananatili sa kanya ang nasabing titulo hangang matapos niya ang kanyang reign, kaya naman daw nakahinga nang maluwag si June.

Ngayon nga raw ay sunud-sunod na blessings ang nakukuha nito after winning, bukod sa dami ng proyektong dumarating dito ay happy siya na siya ang napili ng Psalmstre na maging kauna-unahang lalaking image model ng New Placenta for Men.

Nagpapasalamat nga ito sa tiwalang ibinigay sa kanya ng CEO/President ng Psalmstre na si Mr. Jaime Aciosta na malaki ang paniniwala na magiging malakas ang kanyang produktong New Placenta for Men sa pagkakakuha kay June bilang image model nito.

 

FROM SINGING ay gusto rin palang pasukin ang pag-arte ng novelty singer na si Alexis na nagpasikat ng awiting  Arimundingmunding na humakot ng ilang nominasyon sa darating na Star Awards for Music ngayong October.

Ayon nga kay Alexis, bago siya naging singer ay ang pag-aartista ang una niyang gustong gawin kaya naman daw nang inalok siya ng isang kapit-bahay na mag-audition sa Viva Entertainment, hindi na siya nagdalawang-isip at nag-audition na siya kaagad at masuwerteng natanggap.

If ever nga raw na mabibigyan siya ng pagkakataon na makapili ng makasasama ay si Matteo Guidicelli ang gusto niyang makasama sa isang madramang palabas. Bukod daw kasi sa yummy si Matteo ay magaling din daw itong actor.

Pero hindi naman daw iiwan ni Alexis ang pagkanta dahil ito ang unang nagbukas sa kanya ng pinto para makapasok sa showbiz. Kaya naman daw patuloy siyang aawit at aarte katulad ng ibang singers na nagagawang umawit at umarte like Regine Velasquez, Lea Salonga , Charice Pempengco at Sarah Geronimo.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “Dapat ipareha sa ibang magaling
Elmo Magalona at Janine Gutierrez, parehong banong umarte

  1. Ok lang si Janine ang gaganap sa role ni Lynnette Quintana…. Nababagay siya sa role na yan….Worried ako sa part ni Elmo…

    under the direction of Gina Alejar ang villa Quintana remake… I think she will do the right thing…. Balita ko naging ok naman daw ang workshop nila ni Janine at Elmo…Baka nga merong improvement na sa side ni Elmo… I see something na mababagay kay Elmo ang role ni Isagani….kapag-magagampanan ni Elmo ang role niya…. let’s give them a chance. This is a Challenge for them…. Ang pag-iibigan nila ni Lynnette Quintana at Isagani Samonte na gagampanan nila ay against all odds…..Ang tambalan naman nina Janine at Elmo ay parang against all odds na rin. Maraming ang nag-rere-act sa kanilang pagiging loveteam…. This is interesting…. Personally, I am looking forward on this soap opera, villa Quintana remake.

  2. Si Janine pwede pa kasi mayaman ang role ni Donna dati, pero si Elmo sa role ni Kempee? Wrong move! Sana si Alden na lang or Kristoffer Martin ulit… or ibang Kapuso boy na marunong umarte!

  3. BAKA NAMAN IBIG SABIHIN NYAN EH MAG-STICK NA LANG SA SINGING ITONG SI ELMO. TUTAL MAGALING NAMAN SIYANG KUMANTA. WAG NANG IPILIT NA KUMANTA. ANG TARAY PA NAMAN NG MANAGER NYAN NA AYAW IPASALI SA MGA SHOWS ANG ALAGA NYA KUNG HINDI SIYA ANG BIDA. HAHAHAHA. PARA RIN YANG SI CHRISTIAN BAUTISTA NA ILUSYON NANG ILUSYON NA UMARTE. AYUN, PURO NEGA ANG REVIEWS SA ACTING NYA SA “WITH A SMILE.” PERO ANG GANDA NG THEME SONG NYA HA. 

    AT ITO NAMANG SI JANINE, WELL, DI NAMAN PWEDENG SABIHIN NA BAT DI NYA NAKUHA ANG GENES NI ATE GUY DAHIL ADOPTED LANG NAMAN SI LOTLOT. KASO, NAKAKAARTE NAMAN SI LOTLOT AT SI MONCHING. SO, SAAN NAGMANA ANG BATANG ITECH? WELL, BAKA NAMAN EVENTUALLY EH GAGALING DIN. 

    AT YAN NAMANG SI JUNE MACASAET, AMININ MO JOHN F. NA HINDI SIYA KAGWAPUHAN KESEHODANG NANALO PA YAN NA MR. MANHUNT INTERNATIONAL. TO DIE FOR ANG BODY PERO PAGDATING SA MUKHA, PARANG HALF-MOON, TO BORROW PUTRIZK’S WORDS. HAHAHAHA

    • Naghehello ang Star Magic Batch 13 at PBB alumni na puro DAWHO, CYNTHIA, STARLETA at NEVER IN A MILLION LIGHTYEARS SISIKAT! hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.