DAPAT BAYARAN ANG MARINO SA DI-NATULOY NA BIYAHE

KUMPLETO NA PO ang papeles ko at aprubado lahat ng POEA ang aking mga kontrata. At nakatakda na akong sumampa sa barko. Pero ilang araw bago ang naka-takda kong pagbiyahe, biglang sinabihan ako ng aking employer na tsaka na lang itutuloy ang pagsampa ko. Wala naman siyang binanggit na dahilan. Ano po ang habol ko laban sa kanila?                  – Jun ng Marikina City

KUNG WALANG DAHILAN ang pagpapaliban sa biyahe mo, maaari kang magsampa ng asunto para sa damages o danyos, lalung-lalo na ang actual damages. Kuwentahin mo ang lahat ng mga nagastos mo, hanggang sa pinakahuling sentimo, at iyan ay maaari mong singilin sa iyong ahensiya o employer.

BAWAL PALITAN ANG KONTRATA

Matapos ang mahabang processing, naaprubahan na po ng POEA ang aking kontrata. Doo’y nakalagay na tatanggap ako ng sahod na $900 isang buwan. Pero

laking gulat ko nang pinalitan ito ng ahensiya ko ng $700. Puwede po ba ‘yun?

—Terence ng Binangonan, Rizal

HINDI PUWEDE ‘YAN. Illegal ang pagpapalit ng kontrata mo. Ang susundin ninyo ay ang orihinal na kontrata na inaprubahan ng POEA.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.