DAP sa Napoles NGO, ipaliwanag

HUMINGI NA ng paliwanag ang Malacañang sa apat na mga mambabatas na sinasabing naglaan ng P100 milyon mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, sa non-government organization (NGO) ni Janet Lim-Napoles.

Ito ay base sa lu-mabas na ulat na nagsasabing ginamit ng apat na mga senador na sina Sen. Jinggoy Estrada, Ramon Revilla, Ferdinand Marcos at Vicente Sotto ang kanilang DAP sa bogus na NGOs ni Napoles.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na wala pa silang natataganggap na kumpirmasyon mula sa mga nasabing senador kung may katotohanan ang naturang balita na pinili ng mga ito ang NGO ni Napoles upang mailabas ang sinasabing DAP na ipinagkaloob sa kanila ng administrasyong Aquino.

Kaugnay nito, hindi rin matiyak pa ng kampo ng mga witness kung kabilang sa affidavit ng mga ito para sa second batch ng kaso na nakatakdang isampa sa Ombudsman, ang nabanggit na mga mambabatas.

Samantala, lumalabas sa naunang mga kinasuhan sa pork barrel fund scam, kabilang sa sinampahan ng kasong plunder ay sina Sen. Juan Ponce-Enrile, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.