DAP, ‘di aalisin ni PNoy

NANINDIGAN SI Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na kailangan ang Disbursement Acceleration Program (DAP) upang mapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sinabi ng pangulo na kailangang gamitin ang savings ng mga tanggapan ng gobyerno upang maipagpatuloy ang mga programang nakikinabang ang sambayanan.

“I think more correct to say that there are services that are needed by our people especially on extreme margins of society, through no fault of theirs, suddenly you’re gonna remove… ‘di naman yata fair ‘yun,” ani PNoy.

“How are you gonna tell somebody undergoing regular dialysis treatment, ‘Pwede ba maghintay ka na lang ng ilang buwan hanggang isang taon… pagkaintindi ko sa dialysis, normally weekly, sometimes several times a week. That can’t wait. Paano naman ‘yung nag-aaral regardless of what year you are already – oops sandali postpone na muna natin ng isang sem, dalawang sem, hanggang ma-sort out ‘to. ‘Yung ‘pag umalis sa eskuwela, mahirap nang bumalik. So ‘yung potential niya to be a person more skilled, ability to have better earnings suddenly curtailed, again through no fault of this person, ‘di naman yata tama rin ‘yun.”

Hindi rin aniya nila inimbento ang DAP sapagkat dati na itong inaprubahan ng Kongreso at mai-ngat nila itong ginagamit, dahil limitado lamang ang menu na maaari nitong paglaanan tulad ng edukasyon at pasyenteng mahihirap.

Gumagamit aniya ang kanyang administrasyon ng “use it or lose it” policy kung saan may isang taong validity sa lahat ng appropriations.

Bukod pa ito sa inaasahang kinalabasan ng mga proyekto sa isang partikular na petsa.

Samantala, inilabas din ng punong ehekutibo ang kanyang pagkadismaya sa isang mambabatas na ibinuhos ang kanyang alokasyon sa “anti-dengue” medicines sa ilalim ng kanyang termino na hindi na niya pinangalanan pa.

Nabatid na aabot sa P5 milyon ang ini-request ng nasabing mambabatas at pinadaloy nito sa isang bogus non-governent organization (NGO).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “DAP, ‘di aalisin ni PNoy

  1. Kawawang Pilipinas ginawang pampayaman ng mga politicians.Sana magising ang mga bansang tumutulong taon taon sa bansa natin at itigil na nila ang  binibigayng tulong di naman napunta sa mga tao yon napunta sa mga bulsa ng mga magnanakaw.Yon lang!

Leave a Reply

Your email address will not be published.