Danyos ni Yolanda, Mahigit P22-B na

UMABOT NA sa mahigit P22-bilyon ang naitalang pinsala ng bagyong Yolanda sa bansa.

Base sa pinakahu-ling damage assessment report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa kabuuang P22,659,851,383.76 ang halaga nang sinirang ari-arian at imprastraktura ng naturang kalamidad.

Sa sektor ng agrikultura, umaabot naman sa mahigit P10.7 bilyon ang pinsala, kabilang ang mahigit P5-bilyon sa pananim at mahigit P2-bilyon sa livestock.

Una nang inireport ng ahensiya na nasa 5,235 na ang kumpirmadong nasawi sa bagyo habang 1,613 pa ang patuloy pa ring pinaghananap.

Sa kabilang dako, magta-tatlong linggo makalipas tumama ang nasabing pinakamalakas na bagyo sa mundo, nanawagan na rin ang United Nations (UN) sa gobyerno ng Pilipinas na madaliin na ang trabaho para maibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Ayon kay UN resident and humanitarian coordinator Luiza Carvalho, malaking sagabal pa rin sa ginagawang relief at recovery efforts ay ang kawalan ng kuryente sa nabanggit na mga lugar.

“I would like to see classrooms not serving as evacuee centers, and able to house, receive their children. I would like to see hospitals fully operational. And most of all, I would like to see electricity established in the whole process, from here to Palawan,” pahayag ni Carvalho.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.