Danna Garcel, sweet and sexy sa kanyang Metamorphosis concert

 alt=

Danna-GarcelPAGKATAPOS NG ilang taong pagbangon mula sa aksidente na ikinasawi ng kaibigan niyang si Halina Perez noong 2004, nagbabalik si Danna Garcel, mas gumanda, mas sumeksi, at mas lumambing.

Natuklasan ng dalaga na may angking galing pala siya sa pagkanta. She is blessed with a lovely and powerful voice, hinasa niya ito sa mahabang panahon at sa tulong ng May Kapal, muling babalik sa industriya ng showbiz si Danna upang ipakita ang kanyang transformation.

Kaya naman this coming November 11, 2015, saksihan ang pagbabagong-anyo ni Danna sa kanyang ‘Metamorphosis Sweet and Sexy’ concert sa Music Museum featuring ang kanyang carrier single na ‘Bakit Ba?’.

Makasasama ni Danna on stage sina Luke Mijares, at Daryl at marami pang iba. May mga sorpresa pang nakalaan para sa mga audience.

Produced by RBN Publishing at JPDS Ventures, mabibili ang concert tickets sa Ticketworld outlets.

 

Paul-David-Daisy-Caber-Rowena-Hizon-GracePaul David Santos, isang Good Samaritan sa walang sawang pagsi-share ng blessings

 

MASASABING ISANG Good Samaritan si Mr. Paul David Santos sa kanyang pagiging matulungin sa kanyang sariling pamamaraan. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng biyaya sa mga nangangailangan, lalo na sa mga bahay-ampunan at iba pang mga institusyon na nangangailangan ng kalinga.

Advocacy na ni Paul Santos ang makapag-share ng blessings kung ano ang meron siya, sa mga higit na nangangailangan, at bilang isang pasasalamat. Nagsimula ito nang gumaling ang kanyang pinakamamahal na ina sa sakit na breast cancer.

Naniniwala siya na mas darami pa ang mga katulad niya na makikipagtulungan para kahit paano ay maibsan ang kahirapan ng bansa o ang mga naghihirap, nang sa gano’n ay mabawasan na rin ang mga krimen na ang ugat ay kahirapan.

Nanggaling pa ng Tarlac si Paul kung saan siya lumaki, nang diretsong nagtungo sa GRACES (Home for the Aged) sa Quezon City. Iniabot niya ang kanyang donasyon sa pakikipag-ugnayan nina Ms. Daisy Caber ng DSWD at ni Ms. Rowena T. Hizon.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.