Danna Garcel, madalas mapanaginipan si Alden Richards

Danna-GarcelBALAK NA ni Danna Garcel ang makabalik sa mundo ng showbiz, kaya naman nang mahasa na niya ang kanyang tinig ay tinanggap na niya ang ilan sa mga offer sa kanya na umawit sa bar at mag-guest sa mga events, pati na rin sa mga mall shows.

Naging successful siya sa nasimulang karir, hanggang sa napagpasyahan niyang mag-produce ng sariling concert dahil na rin sa kauudyok sa kanya ng mga malalapit na kaibigan. At dahil na rin sa kapipili ng makasasamang mag-guest sa concert ay isa na rito si hunk actor na si Alden Richard na umano’y may lihim siyang paghanga. Madalas pa umano niya itong napapanaginipan. Sana nga raw ay dumating ang araw na makasama niya ang binata sa isang project lalo na sa pelikula kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Sa buwan na ng Setyembre niya binabalak na ganapin ang kanyang kauna-unahang concert entitled ‘Sweet Sexy Diva’ at gawin ito sa Music Museum. Ngunit bago pa ito, makakaroon pa muna siya ng birthday celebration on August 25. Tulad ng nakaraang taon ay ginanap niya ito sa piling ng mga batang kapus-palad, sa isang ampunan sa Tanay, Rizal. Ngayon naman ay napagplanuhan na niyang iselebreyt ito sa ampunan ng mga senior citizen. Mas ikinaliligaya umano niya ang magpakain at magregalo sa mga ito kaysa sa mga may kakayahan sa buhay.

“Uunahin ko munang makapagbigay kasiyahan sa mga kapus-palad at saka ko naman haharapin ang mga friends ko,” aniya.

Samantala, isinasaayos na niya ang mga pagpaplano sa isasagawang concert. Balak din niyang maisama rito sina Luke Mijares at Kris Lawrence. Isasabay na rin niya ang launching ng kanyang first ever single na ‘Bakit Ba?’. Malapit na rin ma-release ang kanyang MTV, maybe next week.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, marami pa rin ang curious na malaman kung bukas ba raw ang kanyang puso sa mga manliigaw.

“Natural na po ‘yung maligawan at walang masama du’n. Pero mas nais ko pa pong mapagsilbihan muna ang aking pamilya. Matagal din po akong natengga dahil sa pagkakaaksidente ko. Hindi rin po ako nagtagal sa trabaho ko bilang flight attendant. Hinahanap po kasi ng katawan at isip ko ang showbiz kung saan ako nagsimula noon.

“Kapag natupad ko na ang pangarap ko para sa family ko, saka ko haharapin ang aking lovelife. Kung sino talaga ang tunay na nagmamahal sa akin, tiyak kong makapaghihintay siya. Mahirap kasi pagsabayin ang lovelife at career,” paliwanag ng dalaga.

Ni Marialuz Candaba

Related Post

loading...

One thought on “Danna Garcel, madalas mapanaginipan si Alden Richards

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.