Danita Paner says her relationship with boyfriend JC de Vera is now on its 7th month

DITO NA NGA sa Pilipinas magse-celebrate ng kanyang 58th birthday ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa darating na May 21. ‘Yan ang magandang balitang sinabi sa amin ng kanyang kaibigang si Albert Sunga sa presscon ng record album ng kanyang alagang si Suy entitled Under Covers, under Ivory Records, with 15 songs.

On or before May 15 daw ang da-ting ni Ate Guy mula sa Amerika.

Totoong dapat daw talaga ay nakauwi na rito ang mahusay na aktres nu’ng nakaraang buwan pa para mag-judge sa Grand Finals ng Talentadong Pinoy sa TV5 nu’ng March 12 at 13 at para makasama raw n’ya ang kanyang kapatid na si Buboy sa birthday celebration nito sa Antipolo, Rizal kung saan ito nakatira. But unfortunately, hindi nakauwi sa ‘Pinas si Ate Guy, dahil nagkasakit daw talaga ito.

Napag-alaman din namin na gagawa agad ng apat na episodes for a special show sa TV5 si Ate Guy pag-uwing-paguwi n’ya ng bansa.

Nakausap din ng Superstar ang kanyang matalik na kaibigan na si Kuya Germs last Friday. Nauunawaan daw ni Ate Guy kung hindi puwedeng magpadala ng downpayment sa kanya ang TV5 sa Amerika. Sinigurado rin daw nito kay Kuya Germs na mag-isa lang s’yang babalik ng bansa. Walang ibang kasama. Taliwas daw sa unang napabalitang kasama n’ya sa pag-uwi si John Rendez.

Bukod sa Kapatid Network, may offer din daw na show ang ABS-CBN sa Superstar. Kung matuloy man ito, baka Maalaala Mo Kaya raw ang una n’yang gawin sa Kapamilya Network.

Pagdating naman sa napabalitang si Ate Guy daw ang planong ipalit sa Star for All Seasons na si Vilma Santos bilang leading lady ni Gov. ER Ejercito sa gagawin nitong pelikulang  El Presidente kung sakaling hindi umubra sa schedule ng huli, ang alam namin ay wala pa raw formal offer ang mga producer nito sa kampo ng una.

Natuwa rin kami sa tsikang nagpadala raw ng pera last week si Ate Guy para sa anak na si Kenneth pambili ng cellphone.

MAGPI-PITONG BUWAN NA palang magkarelasyon sina JC de Vera at Danita Paner sa darating na April 26. Ito ang inamin sa amin ng young actress at singer.

Naloka kami nang magkamali ang dalaga sa pagbilang kung ilang buwan na silang mag-dyowa ni JC. “All this time, akala ko October 26 naging kami. Anniversary pala ng Ondoy ‘yon,” natawang pag-amin ni Danita.

Masayang ikinuwento rin ni Danita na nu’ng 25th birthday ng kanyang boyfriend last March 10, ito pa raw ang nagbigay ng regalo sa kanya na camera, imbes na s’ya. Nahihiya nga raw s’ya dahil wala pa s’yang birthday gift for JC.

On her 22nd birthday last April 2, nag-celebrate lang daw sila ni JC with their Royale Artists Management family sa isang restaurant malapit sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Sinabi naman ni Danita na hindi s’ya nagseselos sa younger sister ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis na katambal    ni JC  sa  malapit   ng  ipalabas na dramaserye ng TV5 na Ang Utol Kong Hoodloom. Nagkaka- text pa nga raw sila ni Jasmine at ng Ate nito. Nagbabalak din silang lumabas for a dinner with her friend and co-Kapatid star, Carla Humphries. Hindi pa nga lang daw matuluy-tuloy sa ngayon ang kanilang plano, dahil hindi magkatugma-tugma ang kanilang mga schedule.

LET’S WELCOME THE young, beautiful and talented Mara Alberto sa masayang mundo ng showbiz!

Nag-umpisa bilang TV commercial model si Mara bago n’ya tuluyang pinasok ang showbiz. Sa katunayan, patuloy na umeere ang kanyang TV commercial para sa Globe.

Gumanap si Mara bilang Ciara Sotto sa Star Confessions ni ‘Nay Cristy Fermin sa TV5, featuring the life story of Onemig Bondoc.

Best of luck, hija!

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

2 thoughts on “Danita Paner says her relationship with boyfriend JC de Vera is now on its 7th month

Leave a Reply

Your email address will not be published.